Chapter 4: Moves

13.4K 170 12
                                    

Chapter 4: Moves

Kinabukasan maaga nagkasalubong si Cristine at Clarisse sa hallway, “Youre up early” sabi ng artista. “Di ko na makuha tulog ko e” sabi ni Clarisse. “Tara sa baba” alok ni Cristine nang narinig nila nag ring Skype ring tone sa loob ng kwarto ni Clarisse.

“Si Shan siguro, wait lang” sabi niya. “No wait, tara dali dali” sabi ni Cristine sabay hinila si Clarisse papasok sa kwarto ni Enan. Ang binata nagising bigla pagkat kinaladkad siya nung dalawang dalaga paalis ng kama.

“What’s wrong?” tanong ni Enan na inaantok pa. “Basta wait here, tara Risse” sabi ni Cristine. Sumugod naman sila sa kwarto ni Jelly at kinaladkad yung bading palabas ng kwarto. “Ano ba? Ano gagawin niyo sa akin?” tanong ni Jelly.

“Ganito” sabi ni Cristine sabay nagbulong siya kaya bigla sila nagtawanan. Sumubok ulit si Shan ng video call sa laptop niya, sumagot na si Clarisse pero agad nanlaki ang mga mata ng binata.

Nakita niya magandang mukha ng kanyang nobya pero may katabi itong lalake sa kama. “Clarisse who the hell is that?” pagalit na tanong ni Shan. “Tsk sabi ko sa iyo urong e at sasagutin ko muna” sabi ni Clarisse. Napanganga si Shan nang makita si Enan sa tabi ng nobya.

“Enan what the…” bigkas ni Shan pero napatigil ang binata nang nakita na kasama si Cristine. “What the hell is happening there?” tanong niya. Biglang lumabas mula sa kumot si Jelly, “Holy…” bigkas ni Shan kaya nagtawanan na yung apat.

“Look at his face” sabi ni Clarisse kaya si Shan natawa na bigla at napakamot sa ulo. “Papa Shan wag ka mag alala, these girls are just here to watch me and Enan” landi ni Jelly kaya lalo tumindi ang kanilang tawanan.

“Kaya pala ang tagal mo sumagot, nag set up pa kayo” sabi ni Shan. “It was Cristine’s idea” sabi ni Clarisse. “At bakit pare parang ang sama ng reaksyon nung nakita mo ako katabi si Clarisse? Wala ka e, ako artistahin kaya di na siya nakatiis” biro ni Enan kaya napingot nina Clarisse at Cristine ang mga tenga niya.

“Shocked lang nung umpisa pre pero nag sink in na ikaw pala” sabi ni Shan. “Oo nga e ako nga to e” sabi ni Enan at napansin nung tatlo ang paglungkot ng binata. “Tawag ka nalang mamaya, breakfast na kami” sabi ni Clarisse sabay agad pinatay yung tawag.

“Bakit mo pinatay?” tanong ni Enan. “Wala kasi sabi ni Cristine she wanted to cook breakfast so tara tayo nalang” sabi ni Clarisse. “Hoy ikaw baka may kailangan ka ulit linisan sa likod” banat ni Jelly kaya napakamot si Enan. “One time lang” bulong niya sabay nagmadaling lumabas ng kwarto.

“Sorry talaga ha” sabi ni Clarisse. “Its my fault, it was my idea in the first place” sabi ni Cristine. “Masakit yon, ramdam ko pain niya kanina” sabi ni Jelly. “Uy sorry talaga” bulong ni Clarisse.

“Akala ko ba bestfriends sila?” tanong ni Jelly. “No its my fault, I didn’t expect that from Shan” sabi ni Cristine. “Gusto ko din pagsabihan minsan si Shan pero its going to end up badly. I mean baka..” sabi ni Clarisse. “I know, grabe its not your fault wait lang kausapin ko siya” sabi ni Cristine.

Paglabas ng artista sa kwarto napahaplos si Clarisse sa kanyang mukha. “Shit galit siya sa akin” bulong niya. “Si Cristine? Hindi no, pero sis masakit yon lalo na galing pa sa bestfriend” sabi ni Jelly.

“Alam ko, everytime I feel Enan’s pain. Example siyempre pag tatawid kami e umaakbay si Enan sa akin. Minsan pag crowded ganon din so Shan ends up seeing us.  I always feel Enan being scared pero kay Shan parang bale wala ba” sabi ni Clarisse.

“Oo alam ko sis, kay Enan naman parang inaantay niya yung selos effect of duda effect. Seeing non lalo siya nanliliit. Pero yung verbal na ganon tulad kanina e yon ang solid” sabi ni Jelly. “Cristine will be mad at me I know kasi boyfriend ko si Shan” sabi ng dalaga.

Artistahin: Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon