Chapter 18: Sensation

12.8K 180 11
                                    

Chapter 18: Sensation

Lunes ng umaga sa tambayan nadatnan nina Clarisse at Shan si Enan na mag isa at nanonood sa kanyang phone. “Psst” pacute ni Clarisse, si Enan napangiti at nagtakip ng mukha. “Yiheee viral yung video” lambing ng dalaga na tumabi sa kanya. Naupo din si Shan sa kabila kaya naipit si Enan sa gitna.

“Napanood niyo din pala” sabi ni Enan. “Grabe hulaan mo pano namin nalaman?” tanong ni Shan. “Oo nga pano niyo nalaman?” tanong ni Enan. “Si Elena kahapon nagsisigaw, trending daw yung artistahing Enan” kwento ni Clarisse.

“We thought it was a joke kasi nga sa iyo lang namin naririnig yon e. Pero nung nakita namin, oh shit totoo” sabi ni Shan. “We started to read then ayun nakita namin yung link ng kinakalat nilang video. Naks, ang galing galing niya. Pumikit pa o” lambing ni Clarisse.

Nakikiliti utak ni Enan pero ngumiti lang siya, “Tsamba lang yon, di naman papatok yon kung wala sina Tiny at Miss J e” sabi ng binata. “Youre gonna miss me when I am gone” narinig nila kanta ng grupo ng mga babae na dumadaan. Napatingin silang tatlo, mga dalaga sabay sabay pumapalak kaya si Enan napakamot at nagbow sa kanila.

“Shit nahihiya ako” bulong niya kaya natawa si Shan. “Dude akala ko ba artistahin ka? Dapat sanay ka na dito” sabi niya. “Oo nga, pero uy ang galing. Ay alam mo pinapanood namin kay mama yon. Grabe naka ilang ulit siya. Bakit daw di mo sinasabi marunong ka kumanta sana kinantahan mo daw siya nung birthday niya” sabi ni Clarisse.

“Tsamba lang talaga yon no” sabi ni Enan. “He sings sa videoke pag nag iinuman kami pero patawa siya e. I really did not know he can really sing” sabi ni Shan. “Ganda ng boses mo, promise” sabi ni Clarisse. “Uy di naman, nanginginig pa nga boses ko kasi pinilit lang nila ako” sabi ni Enan. “Idol! Whooo! Walanghiya ka internet sensation ka na!” sigaw ni Greg. “Sabi ko sa inyo kasi e magaling kumanta yan e” sabi ni Jason.

“Did you know?” tanong ni Clarisse. “Oo kaya, pag nag iinuman kami lagi niya kinukuha yung mic” sabi ng binata. “E panay patawa naman kasi yan e” sabi ni Tommy. “Sabiihn niyo lasing lang kayo masyado, naalala niyo nung nag inuman tayo nagpalakpakan mga tao? Dahil sa kanya yon” sabi ni Jason.

“Kailan?” tanong ni Shan. “Matagal na, lasing na kayo non e. Nung siya yung nagdrive ng kotse mo” sabi ni Jason. “Di ko na maalala” sabi ni Greg. “Nagising kayo nung nagpalakpakan pero itong lokong to nagbiro lang na pakaway kaway na parang beauty queen” kwento ni Jason.

“Nung may nagbigay ng pulutan sa atin tapos isang round pa” bulong ni Enan. “Ayon! Natuwa yung isang grupong nag iinuman, nilibre tayo nung paalis na sila” sabi ni Jason. “Ang daya, what did he sing?” tanong ni Clarisse. “When You say nothing at all ata yon” sabi ni Jason. “Sample nga, idol sample nga” sabi ni Greg.

“Wala yon, lasing lang non. Anyway I have to go to class” sabi ni Enan. Nakarinig sila ng isang grupo ng mga estudyante kumakanta habang dumaan sa tambayan nila. Napaupo si Enan sa hiya pero tulad ng mga dalaga kanina pinagtuturo siya at binigyan ng thumb up sign. “Nice on schoolmate” pacute pa ng isang dalaga kaya ngumiti nalang si Enan.

“Ito ang gago, maki engage ka naman sa fans mo” sabi ni Shan. “Nakakahiya, shit itago niyo nga ako” bulong ni Enan. “Idol, bakit ka nagkakaganyan? Naparami ba ng pag inom mo ng humility? Idol, you were born for this diba?” landi ni Greg.

“I know right but this is something new. Alam ko gwapo ako pero ito na yung kinakatukan ko talaga. I never wanted the world to know that I too had a golden voice. Can you imagine all the girls staring at my so handsome face, then I start to serenade them with my golden voice?”

“Laglag panty na nga itsura tapos labas kaluluwa pa boses ko, wala na no” banat ni Enan pero bigla siyang piningot ni Clarisse habang nagtatawanan ang mga boys. “Bad” sabi ng dalaga kaya umamo si Enan. “Sorry, it was just a joke” sabi niya. “Okay lang pero ang daya mo you never told me. Sabi mo bestfriend mo din ako tulad ni Shan pero nagtatago ka ng sikreto sa akin” tampo ng dalaga.

Artistahin: Take TwoWhere stories live. Discover now