Chapter 9: Push

12.6K 163 13
                                    

Chapter 9: Push

Kinabukasan ng madaling araw nagising si Clarisse pagkat may naririnig siyang tumatawag sa kanyang pangalan. “Risse, gising ka na ba?” narinig niya kaya napatingin siya sa may pintuan at nakita si Enan na kumakaway.

“What are you doing up so early?” bulong ng dalaga. Pumasok ang binata at agad tumabi sa kama. “Risse hindi ako nakatulog, I mean nakatulog ako pero paputol putol. Risse para akong dinamita na sasabog na hindi na sasabog na hindi” bulong ni Enan kaya napaupo ang dalaga at hinaplos ang kanyang mukha.

“Ang gulo mo, ano?” tanong ng dalaga. Nahila siya at napahiga, nagulat siya nang yakapin siya ni Enan pagigil. “Risse, tulungan mo ako, hindi ko alam ano gagawin ko” sabi ni Enan. Nagtakip ng bibig ang dalaga sabay hindi maintidihan ang nararamdaman habang yakap siya ng mahigpit ng binata.

“Risse, I am so confused. Hindi ko na talaga alam e. Push ba o ano? Risse para bang nasa ulap ako na hindi. Para akong nanaginip na gising na nakatayo na ewan ko. Risse tulungan mo naman ako” sabi ni Enan.

“Teka nga, what is this all about? Tulungan kita saan?” tanong ng dalaga na dahan dahan nagpaikot para harapin ang binata. “Calm down and talk slower para maintidihan kita” sabi ng dalaga kaya huminga ng malalim si Enan sabay pumikit.

“Now tell me” bulong ni Clarisse. Pagmulat ni Enan bigla siyang nautal at nakatitig lang sa magandang mukha ng kanyang kaibigan. “Bakit kayo ganyan? Kayo ni Cristine, kahit bagong gising maganda kayo parin. Wala ba kayong time of the day na pumapangit saglit?” bulong ng binata.

“Baliw” bulong ni Clarisse pero bigla siya nanigas nang haplusin ni Enan pisngi niya. Dahan dahan tinulak ni Enan buhok ng dalaga palikod sabay ngumiti. “Yan, artistahin ako kaya dapat gandahin din kakausapin ko” sabi niya kaya napatapik nalang si Clarisse sa dibdib ng binata sabay nagpigil ng ngiti.

“Ano yung gusto mo itanong?” tanong ng dalaga. “Note to self, pag may importanteng iniisip wag humarap sa magandang babae kundi mawawala ang iniisip” biro ni Enan kaya napangiti na talaga si Clarisse at nakurot ang binata.

“Sige na game na, saan kita tutulungan?” tanong ng dalaga. “Wag na, I can make that decision on my own” sabi ni Enan. “O ano nangyari? Kanina para kang bulate na di mapakali” sabi ni Clarisse. “Uy Risse, sorry ha” sabi ni Enan.

“Sorry saan?” tanong ng dalaga. “Na di kita masyado nakakasama” sabi ni Enan. “Hello, okay lang ano, sabit nga lang ako kaya” sabi ni Clarisse. “Hindi rin, sorry talaga kung out of place ka minsan” sabi ni Enan. “Enan, I don’t feel that. Nag eenjoy nga ako sa totoo e. Imagine mo nalang ano kaya ginagawa ko sa bahay this past few days?”

“At least dito ang ganda ng view, presko yung hangin from time to time. I so love the pool tapos ang dami ko napasyal kaya kasama si Jelly” sabi ng dalaga. “Yeah but you are with me so dapat lagi kita nababantayan” sabi ni Enan.

“Hay naku, bonding time niyo din ito ni Cristine ano. Sa Manila bihira kayo magsama. You have school and she has her acting duties to attend to. Its okay Enan kasi I am having fun too” sabi ng dalaga.

“Sure ka? Baka sinasabi mo lang yan” sabi ni Enan. Napahaplos ang dalaga sa mukha ng kanyang kaibigan. Ang dalaga titigil sana pero tinuloy niya ito sabay kinurot si Enan sa pisngi.

“Oo, this is me being honest” sabi ni Clarisse. “O yan usapang honest ha, Risse, kung nakikita mo kami ni Tiny magkasama…please be very honest ha…ano un among naiisip?” tanong ng binata.

“Selos” bulong ni Clarisse, nanlaki ang mga mata ni Enan sabay nagbungisngis siya. “To naman sabi ko seryosong usapan. Itabi mo na muna pagka artistahin ko to naman” sabi ng binata kaya ngumiti lang si Clarisse, niyuko ang ulo sabay hinaplos kamay ng kaibigan niya.

Artistahin: Take TwoWhere stories live. Discover now