Diary 66

13 5 0
                                    

Sa pagsabi namin kay mama ay nagulat din siya at may kaunting sermon pa akong natanggap.

"Oh, anong plano mo ngayon John?" seryosong tanong ni mama.

"Maghahanap po ako ng trabaho bukas na bukas din."

"Mabuti kung ganon, mga pasaway kayo hindi kayo nag-iingat pero okay na 'yan graduating na kayo."

"Ma, hihinto po muna si Alexis."

"Ano? Sayang naman iha gra'graduate pa man din na kayo. Ikaw John umayos ayos ka r'yan. Masasapak talaga kita." maangas na banta sa akin ni mama.

"Okay lang po tita." sagot ni Alexis.

"Sige na iha, magpahinga ka muna sa kwarto ni John. Magluluto lang ako. John, samahan mo si Alexis."

"Opo."

Pumasok na kami sa loob ng kwarto at inalalayan ko siyang humiga.

"Magiging magulang na tayo, oo nga pala sinabi ko na kanila Jeff at Bryan ang nangyari congrats raw, huwag daw natin silang kalimutan na kuning ninong." napatawa naman kaming parehas dahil wala pa nga si baby ay may ninong na agad siya.

SANA BABY BOY.

"Mga pasaway talaga sila."

Diary ni John✔Where stories live. Discover now