Diary 70

15 4 0
                                    

Graduation Day.

Diary, ito na ang araw ng aming pagtatapos.

Ang lahat ay isa-isa ng tinawag upang umakyat sa taas para kunin ang diploma.

Sa wakas ay makakapagtapos na ako, pero naghahalo ang saya at lungkot.

Saya dahil makakapag-pokus na ako sa trabaho para may maigastos ako para kay Alexis at sa baby namin.

At ang lungkot dahil hindi natupad 'yong pangarap namin na sabay aakyat sa stage upang kunin ang aming diploma.

Tinawag na ako sa stage kaya umakyat ako at nakipagkamay sa mga naroroon sa unahan.

Hawak ang diploma ay kinuhaan ako ng litrato ni mama at ng photographer.

Bumaba na ako at sinalubong ni mama. Inihatid niya ako sa pwesto namin.

Lahat ay natawag na kaya naman pinatugtog na ang Graduation song namin.

"Congrats sa 'tin." Bryan, mamimiss ko ang mokong na ito.

"Yuhooo, graduate na tayoooo!" Mas lalo ang lokong si Jeff. Makulit at kalog ang kupal kaya mamimiss ko 'yan.

Sa araw na 'yon lahat ay masaya dahil natupad na namin ang pangarap namin na makapagtapos ng HIGHSCHOOL.

Paalam School, baon, teachers, classmates, janitor. At iba pa.

Hello, Workmate, customers, manager, supervisor, at iba pa.

'New page of our life.'

Diary ni John✔Where stories live. Discover now