Diary 58

19 6 1
                                    

"Oh, anak mabuti nalang dumating ka. Tara kumaen ka muna."

Agad akong lumapit sa mesa at umupo, ganoon din ang ginawa ni mama.

"Kamusta first day anak?"

"Okay lang naman po, medyo mahirap na ang mga lesson pero kakayanin." magalang kong sagot, ngumiti lang si mama.

"Oo nga pala anak, malapit na ang anniversary n'yo ni Alexis. Anong ganap?" napatingin ako sa tanong ni mama, oo nga pala sa six na ang anniversary namin.

"Sa ngayon ma naghahanap pa ako ng lugar kung saan pwede ko siyang dalhin."

"Anak, dito na lang sa bahay. Tuturuan kitang magluto ng mga recipe ko. Okay?"

Tumango-tango lang ako suggestion ni mama, okay din naman kaya dito nalang.

Ako na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan bago pumasok sa kwarto.

Create Messages.
To: Alexismybabesosweet.
Hi babe, gawa mo?"
sent.

Imbes na magreply siya ay tumawag nalang siya.

"Hello babe, gumagawa lang ako ng design sa notebook ko. Ikaw?"

"Ito may iniisip lang."

"Sino naman 'yan?"

"Hulaan mo."

"Babae?"

"Oo"

"Sino!?"

"Alexis."

"Loko!"

"Ay, hindi ka man lang tumawa o kinilig man lang sa jokes ko." kunyareng nagtatampo si ako.

"Aywan sa imo dong, dili man kita maunawaan."

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa parehas kaming dalawin ng antok.

Diary ni John✔Where stories live. Discover now