Diary 12

34 9 1
                                    

Diary,

Nawalan na ako ng ganang pumasok, mas pinabayaan ko pa ang pag-aaral ko.

Pumapasok lang ako kapag may exam kaya hindi maiwasan na mabokya ako. Wala na akong pakealam kung ano pang makuha kong grado basta nasasaktan ako. Tapos!

Hindi ko kaya tignan ang lalaking sumira sa amin ng girlfriend ko, hindi ko kayang sikmurain na makita siyang masaya samantalang ako lugmok na lugmok na.

Mabilis lumipas ang araw na hindi ako umiimik, nakatikom lang ang aking bibig, malapit na sigurong mapanis ang laway ko pero walang may pake.

Diary ni John✔Where stories live. Discover now