Diary 73

12 4 0
                                    

Sa buhay natin hindi maiiwasan na makaranas tayo ng iba't-ibang pagsubok, pagsubok na nagpapatatag at nagpapalakas sa atin.

Kanina lang, inutusan ako ng amo na anak ng pinakaamo namin na bumili ng stock na hindi niya nabili.

So, humingi ako ng dalawang libo para bumili na. Sa paglalakad ko sa loob ng market ay dinukot ko ang listahan.

Ito na nga nasa counter na ako at magbabayad na, ang total lahat ay 1533. something.

Pagkalabas ko ng pera, 1500 nalang ang nasa bulsa ko kaya dali-dali kong sinabi sa cashier na iavoid ko ang isa. So ayon nga kinapa ko na lahat ngunit wala talaga.

Pagkadating ko sa shop sinabi ko agad, dapat daw ay nagdala ako ng wallet at magkahiwalay ang pera at ang listahan.

Sa paglipas ng oras, nasermonan ako dahil sa burger. Hindi siya mainit. MALAMIG. Parang siya malamig ang pakikitungo sa 'yo.

Sabi ng amo namin na, "Ikaw itong may mga pinag-aralan sa ganiyan kaya dapat ikaw ang nagtuturo sa kanila ng mga dapat Gawain."

"Ikaw itong may makukuhang magandang trabaho dahil sa natapos mo. Ikaw pa naman ang pinakamatagal sa kanila."

Pagkasabi niya non, umalis na siya.
Ako nawala sa sarili. Nacharge pa ng Creamy tuna pasta. Kumbaga inaalat kami ngayon.

Diary ni John✔Where stories live. Discover now