Diary 47

30 6 0
                                    

Ilang buwan na bago ang usapan namin ni Bryan, naging magkaibigan ulit kami dahil pinatawad ko na siya.

"Anak, andiyan si Bryan sa labas." ani mama

Bumalik na ulit ang dati niyang sigla, tanggap niya na ang pagkawala ni papa.

Papa, I miss you. Sana masaya kana diyan sa langit.

"Sige ma, lalabas na ako."

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Bryan na abala sa kanonood ng cartoons network. Isip bata.

"Bata lang pre?" pang-aasar ko dito, tinawanan lang ako ng loko.

"Lol, kamusta panliligaw mo kay Alexis?" tanong nito, Tama kayo ng basa nililigawan ko na si Alexis.

"Walang bago, okay pa din. Hindi naman ako nagmamadaling sagutin niya basta ang akin lang maging memorable ang bawat araw na magkasama kami."

"Ikaw na pare, halatang inspired ah! Sige na advance congrats."

"Lol, ikaw kailan mo balak mag'girlfriend? Kamusta si Rebecca?"

"Hala siya, wala akong balak hanggat Hindi ko pa natatapos ang Grade 12. sa ngayon focus muna sa pag-aaral. Si Becca nako! Sakit sa ulo."

"O, bakit naman?"

"Basta pare, She's crazy and annoying."

"Hahahaha, G na G na pre ah?"

"Oo pre, Tara na."

Sumakay na kami ng jeep at nagkwentuhan pa din.

Ang bait ko talaga...

Diary ni John✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora