Diary 62

13 6 0
                                    

Umaga....

Maaga akong nagising dahil sabay-sabay ang bawat strand na pumunta sa Venue.

Sinundo ko muna si Alexis bago kami pumunta sa school at nadatnan naman namin na marami na kaming magkakaklase at iilan nalang inaantay namin.

Umupo kami sa bandang unahan, first come first serve. Unti-unti na ring nagsidatingan ang iba kaya naman ay pinaandar na ni manong ang jeep para pumunta na sa venue.

Malayo-layo ang naging byahe kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng pangangawit nang pwet, si Alexis nama  ay nakahiga sa balikat ko pagod pa siguro siya.

"Babe, ang sakit ng katawan ko." daing niya, lahat kami at ganyan ang nangyari kaya naman ang iba ay naglagay ng salompas kagabi.

"Ako rin babe, hayaan mo mamaya ay mamasahiin kita, sa bahay kana matulog."

"Baka hindi ako paya--

"Please, itetext ko si tita."

"Ikaw bahala babe, I love you!"

"I love you too."

Pagkadating namin ay inantay lang namin dumating ang ibang strand bago magsimula.

Agad din naman silang dumating kaya nagsalita na ang Founder ng SPIST, Then next Principal at ang Emcee.

Sinimulan muna ang CHEERDANCE, ang lahat ay magagaling kaya hindi kami magpapatalo.

COOKERY FOR THE WIN. FIGHT! FIGHT!

Wala akong ibang sinalihan na sports kaya support support nalang ako kay babe. Tumayo kami ng kami na ang sasabak kaya nagdasal muna kami bago mag-umpisa.

Diary ni John✔Where stories live. Discover now