Diary 65

14 5 0
                                    

"Babe, magpacheck-up na tayo." sabi ko sa kanya. Narito kase ako ngayon sa bahay nila.

"Babe, diba pinag-usapan na natin ito?"

"Oo nga pero sana naman this time magpacheck-up kana ilang araw ka ng inaantok at masama ang pakiramdam. Tapos nagiging mainitin na rin ang ulo mo."

"So, anong pinaparating mo?"

"Baka buntis ka."

"Whaaaaat?" nagulat siya sa sinabi ko, bakit hindi niya ba alam 'yon?

"Babe, natatakot ako sa sasabihin ni mama." bakit siya natatakot? Buntis nga ba siya. Magiging tatay na ba ako?

"Babe, kung buntis ka man ay matatanggap din nila 'yan. Blessing ang bata kung sakaling buntis ka nga. Mas kailangan ba akong malamang, Babe." sambit ko sa kanya.

"John, buntis ako at natatakot ako na baka iwan mo ako, two months na akong buntis John. Nagpacheck-up ako noong last day ng Intrams hindi ko sinabi sa'yo dahil baka sumama ka pa."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya niyakap ko siya nang mahigpit, hindi mawala sa labi ko ang saya magiging tatay na ako.

Masaya ito ngunit sa kasiyahan ko ay haharap na ako/kami sa responsibilidad bilang isang magulang.

Bukas na bukas rin ay maghahanap ako ng Trabaho.

Working student.

Napag-usapan namin na sabihin na sa mama niya, sa una todo sermon ang inabot nami kesyo hindi raw kami nag-iingat, naging pabaya daw kami. Ngunit sa huli ay natanggap niya rin ang sitwasyon namin. At binalak ni tita na huminto muna si Alexis sa pag-aaral.

Pumayag naman siya na huminto, nanghinayang ako pero desisyon niya iyon.

Si mama nalang ang kailangan naming kausapin.

Diary ni John✔Onde histórias criam vida. Descubra agora