Diary 13

28 10 1
                                    

Clearance.

Dito ako nagseryoso dahil naaawa na ako kay mama, lagi nalang siyang ipinapatawag ni Sir Christopher.
Tapos sesermonan ako pag-uwe.

Yung mga dating gawi ko, itinigil ko na lalo na yung pag-gamit ng marijuana.

Sinisimulan ko nang magbago, para sa future at kay mama.

Mahirap, Mainit, Lakad, Balik 'yan lang ang paulit-ulit na ginagawa ko. Inasikaso ko kase lahat ng kulang ko. Hanggang sa mga end na ang class.

Nakakahiya pala yung mga grades mo ay puro line of 7. Palakol na palakol pre. Yung sa 100 na baon ko tuwing araw, sayang lang 'yon dahil ang baba ng mga grades ko.

Grade 10 na ako next school year.

Bagong John na ang makakaharap nila. Wala na 'yung dati na pala- cutting.

Subukan niyo, masarap sa pakiramdam.

Nagbago,
John Ruiz Valdez.

Diary ni John✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant