Diary 18

40 10 1
                                    

Hindi ako pumasok dahil tinatamad ako, tsaka wala rin naman masyadong ginagawa. Kaya nanuod nalang ako nang mga KPOP DANCE sa cellphone ko. This week ko lang s'ya nagustuhan, maganda kasi 'yong mga steps nila lalo na yung beat nung song.

Malaya kong nagagawa ang nais ko dahil wala ngayon si mama, may nilakad siyang mga papeles. Pero may iniwan na siyang pagkain.

Nang matapos ay kumain muna ako bago maglinis, sinapian ata ako ni kasipagan. Naghugas ako ng plato, nagwalis ng paligid at naglaba ng mga damit. Diba, ang sipag ko?

Nahiga muna ako sa sofa ng matapos akong maglinis, mamaya nalang ako maliligo. Dumating na rin si mama kaya naman inulan ako ng papuri.

Kesyo, "Ang sipag naman ng anak ko, anong nakaen mo?"

"Anak, may kailangan kaba kaya ka naglinis?"

"Good Job nak."

Pero ito ang kakaiba.

"Pwede ka ng mag-asawa anak."

Sa ngayon h'wag muna, dahil kagagaling ko palang sa heartbreak.

Alexis Montereal. Isa kang dakilang paasang manggagamit.

At Bryan Olyvarez isa kang malaking ahas. Akala ko sa gubat lang meron no'n. Pati rin pala sa syudad.

BABALA: Mag-ingat sa ahas, dahil baka nasa tabi mo lang mahirap na baka masalisihan ka matuklaw ka.

Diary ni John✔Where stories live. Discover now