"Kuya, SKY Academy po" Malaking ngiti ko sa driver ng masara ko ang pinto ng taxi.

Agad kong nilingon si Kierra upang ngitian sana siya dahil sa wakas ay papunta na talaga kami, pero agad kong sinundan ang tingin nito nang makita ang itsura niya habang nakagtingin sarear mirror ng taxi.

Kunot noo at palipat lipat ang tingin ng driver sa aming dalawa at tila nagtaka sa sinabi kong destinasyon namin.

"Hindi po ba may sumpa ang lugar na 'yon?" Sabay kaming napatingin ni Kierra sa isa't isa sa sinabi nito at dahan dahang umiling kay manong.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ni Kierra dito pero imbes na sumagot ay mabilis nitong tinanggal ang tingin nito sa amin.

"Baba. Hinding hindi ako pupunta sa weirdong lugar na 'yon." Rinig naming sambit nito.

*What the f*ck?* I mouthed to Kierra but she only shrugged at me with her clueless face.

Wala kaming nagawa ni Kierra kundi ang bumaba sa taxi. Pero bago pa man ito umalis sa harap namin ay narinig ko pa muling nagsalita ang driver.

"Mga kabataan talaga ngayon, ibang iba ang kalokohan" Nothing but disappointment was heard from him. And it made me more mad.

"We just don't wanna be late!" Inis na sigaw ko taxi nang umandar ito na paniguradong hindi rin naman narinig ng bw*s*t na driver na 'yon.

Argh! Panira ng araw! Ang aga-aga palang!

"What the hell was that?" Puno parin ng pagtataka ni Kierra at parehas ko ay hindi parin makapaniwalang pinababa kami ng taxi.

What happened to people out here? Ganon ba ako katagal sa loob ng Academy para hindi maintindihan ang buhay ng normal na tao?

"Taxi!" Agad na tawag ko sa isang taxi kahit pa man hindi pa ito nakakalapit sa kinatatayuan namin ni Kierra. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Kierra at agad ko siyang hinila palapit sa Taxi na unti unti ring bumabagal sa pagtako habang palapit samin.

"Kuya maihahatid mo ba kami sa SKY Academy? Oo o hindi?" Agad akong dumungaw sa bintana ng passenger seat at agad na nagtanong nang makatigil ang taxi sa harap namin

"Ariia..." Bulong ni Kierra sakin kasabay ng pag hawak niya sa braso ko.

Hindi ko siya pinansin at pinanatili ang seryoso kong tingin sa driver na unti-unting nawala ang pagtataka sa mukha at napangiti sa akin dahilan para ako naman ang magkunot noo sa kaniya.

"Mukhang late na kayo. Sakay na." Bahagyang ngiti nito sa amin bago timingin sa kalsada sa harap niya.

Naramandaman ko naman si Kierra na nanghila sakin pasakay sa taxi kaya wala na rin akong nagawa kundi ang sumakay.

"Dito nalang tayo dumaan ha. Traffic kasi jan sa kabila lagi eh" Rinig kong sambit ng driver sa harap

"Sige lang po. Salamat po" Ngiting sagot naman ni Kierra na ngumiti rin ng bahagya sa akin.

Napahinga nalang ako ng malalim at walang nagawa kundi ang panuorin ang mga naglalakihang gusali na nadadaanan namin.

Hindi nagtagal ay narating na rin namin ang harap ng malaking gate na dati ay hindi binubuksan pero ngayon ay sagad na sagad sa pagkabukas at labas pasok ang mga tao.

Sinalubong kami ng malakas na musika, tawanan at batian sa buong paligid. Puno ng kasiyahan ang dinatnan naming lugar.

Is this really SKY Academy? It's beautiful.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ