SaJeong:Mistress [Tagalog]

61 0 0
                                    

Note: Jeongyeon is a guy

Sana's POV

Alam kong mali, dahil may kahati na ako sa puso niya. At ang kahati kong iyon ay mas nauna kaysa sakin. Kung. Nalilito man kayo, oo inaamin ko. Kabit lang ako ni Jeongyeon. Pero mahal na mahal ko talaga siya. Kahit minsan iniisp ko nang bumitaw kasi nga hindi ko siya nakakasama sa lahat ng oras, hindi ko nagawa kasi kahit anong gawin ko mahal ko siya.

(Now Playing: Kabit by Gagong Rapper)

"Uhhm jagi, sorry I need to go home. May sakit si Chaeyoung eh. Love you let's meet again tomorrow." Tumango nalang ako sa pagpapaalam niya. Hindi naman ako tulad ng ibang kabit na sasakalin yung boyfriend nila eh. Hindi rin naman ako ganung kasama para ipagkait sa anak niya ang makasama ang tatay niya. Ayaw ko paring masira ang relasyon ni Jeongyeon kay Chaeyoung, ang anak nila ni Nayeon. At ayaw ko rin sanang masira ang pamilyang nauna niyang buuin. Pero ano ba tong ginagawa ko? Hayyzz.. Nakakalito ang buhay. Napakiramdaman kong napatulala ako bago may narinig akong tunog ng phone. Chineck ko yung akin pero hindi naman siya galing sakin. Wait? Di kaya naiwan ni Jeong yung phone niya rito? Mahanap ko nga.

Nayeon Calling

HALA PAANO NA 'TO!! Tumatawag asawa niya!! Pinag-iisipan ko pa kung anong gagawin ko rito..... Pero......

"I knew it! Sinasabi ko na nga ba eh. May kabit nga ang asawa ko!" Nagulat ako sa mga narinig ko. Walang iba kindi yung asawa ni Jeong, si Nayeon. So ibig sabihin minamanmanan niya na kami?

"Hoy kabit ka! Kung gusto mo pang matirikan ng araw, layuan mo ang asawa ko!" She glared at me first, then hinablot ang phone ni Jeong saka umalis siya. Kingina ang sakit! Hindi na 'to kaya ng puso ko! Sa totoo lang ang dami nang nagsasabing hiwalayan ko na siya. Pero kahit anong pilit ko di ko magawa. Hindi raw kasi para sakin si Jeongyeon.

Calling: Minari

"Hello.. Mina..."

"Oh bat parang umiiyak ka? Tungkol na naman ba yan kay Jeonyeon?"

"*sobs*"

"Ayan na nga ba sinasabi ko eh..."

"Shush lodi alam ko na yang sasabihin mo. Wag ka nang sirang plaka please lang."

"Hindi lang yata ako magiging sirang plaka rito eh. Pero seryoso hindi ako titigil hanggang di ka tumitigil diyan sa katangahan mo."

"Si--siguro nga-- baka nga talagang--- tanga ako."

"Masakit na tawagin yun sa isang tao. Pero kung ayun naman yung gigising sayo sa katotohanan hindi ako magsasawang sabihan kita ng ganun. Best friend kita Sana,ayaw kitang nakikitang ganyan."

"Pero... Magal ko talaga si Jeongyeon eh..."

"Pag-ibig nga naman. Pero tandaan mo 'to. Alam kong slow ka pero.. Follow you heart, but bring your brain with you."

"Ang sama mo sakin ah. O siya sa susunod nalang. Bye lodi!"

End call

"Agad akong nagpalit ng pang-alis para lumabas at bumili ng........"

"Sigarilyo't alak. Oo tama yang narinig niyo. Pero ang alam lang nila is hanggang alak lang ako pero doon sila nagkakamali. Minsan dinadaan ko nalang sa paninigarilyo ang problema ko."

Time Skip

Ayos na. Nabili ko na lahat ng kailangan ko. Andito na rin ako sa bahay kaya't pwede na ako maglabas ng problema sa tulong ng mga binili kong ito.

No one's POV

Matapos ang ilang minuto halos nakalahati na ni Sana ang mga alak na binili niya. At halos maubusan na rin ng laman ang kaha ng sigarilyo niya. Sa ngayon, makikita niyong nakasampa siya sa sofa at mahahalata mo ring lasing na lasing na siya habang naninigarilyo. Maya-maya't unti unti siyang tumayo sa kinalalagyan niya, at agad na tumungo sa kanyang kuwarto at naghablot hablot ng mga litrato. Hinawakan niya muna ang larawan ng unang anniversary nila ni Jeongyeon. Halos mabura na nga mukha niya nang dahil sa kakaiyak. Sunod sunod pa siyang nagkalkal ng mga litrato hanggang sa may makita siyang isang larawang luma na. Pababa na ulit sana siya nang......

Meanwhile

"Saan ka naman pupunta Jeongyeon?" Tanong ng asawa nito.

"Ah honey sa trabaho lang. Bigla kasing tumawag yung kaopisina ko eh. May emergency daw."

"Ahh... EMERGENCY....? Okay sige ingat ka diyan sa 'Emergency' na pupuntahan mo." Sarkastikong pagkasabi ni Nayeon.

"Uhhmm.. May problema na naman ba tayo? Ganyan ka nalang lagi eh."

"Wala wala. Alis na baka ma-late ka pa diyan tss." At pagkatapos nun ay umalis na nga si Jeongyeon. Dahil nga kakatuklas lang ni Nayeon tungkol sa kalaguyo ng asawa nito, sinubukan niyang i-track ang asawa niya at pati na rin si Sana. Paano niya magagawa yun? Secret nalang daw.

Matapos ang ilang oras ay nakarating na siya sa bahay ni Sana. Agad siyang bumaba sa kotse niya at binuksan ang pintuan. Alam na niyang dito tumungo si Jeongyeon dahil parang may kakapasok lang. Agad namang bumungad sa kanya ang sandamakmal na bote ng alak. Pati na rin ang isang kaha ng sigailyo.

'Ganito pala kayo magdate ah' nasa isip ni Nayeon. Tumungo naman siya sa kwarto dahil alam niyang may pinagkakaabalahan na sila. Nang mabuksan na niya ang pinto.......

Time Skip

Nayeon's POV

Flashback

"Uy Unnie Nabongs! Labyu po!" Naaalala ko pa noong may batang babaeng nagsasabi sakin nito. Inabutan pa nga niya ako ng origami roses. Oo, pakiramdam ko mahal ko na siya. Kaso sa murang edad ko na ito, alam kong hindi kami tatanggapin ng marami. Kaya tinuring ko nalang siyang best friend.

"Unnie, promise ah. Pag big na tayo let's live in one castle na malapit sa beach!" Natuwa nalang ako sa sinabi niya. Alam kong yung castle na tinutukoy niya yung madalas naming buuin sa may tabing-dagat.

"And sana paglaki natin mag best friend parin tayo ah." Sabi ko habang umakbay sa kanya. Napatango nalang siya. Siguro ang nasa isip niya kami na dahil lagi kong tinatanggap yung mga binibigay niya.

End of Flashback

"Doc! Kamusta na po siya?" Tinanong ko ang doktor habang umiiiyak ako. Bakit anong nangyari kay Sana? Sinakasak siya ni Jeongyeon! Dahil siguro nalaman niya ang tungkol sa amin sa isang lumang larawan. Madalas ko kasing ikwento sa kanya dati ito. Akala ko tanggap niya ako, pero hindi. Kitang-kita ng sarili kong mga mata ang nangyari.

Sana, sana maalala mo na ulit ako. Wag kang susuko. Paensya na dahil sa mga nagawa ko sayo. Pasensya na dahil nagawa kitang kalimutan kahit hindi naman ako naaksidente.

After a few days

"Time of death, 9:00. Cause, lung cancer at malalim na pagkasaksak." Kingina hindi ko mapigilang umiyak. Bakit kasi ngayon lang? Ngayon ko lang kasi siya naalala eh. Sana! Paano na yung mga pinangako natin sa isa't isa?

No One's POV

Matapos nito'y nagtungo si Nayeon sa tabing-dagat kung saan nakaukit ang lahat ng ala-ala nila ni Sana. Kung nagtataka kayo kung ano na nagyari kila Jeongyeon at Sana. Si Jeongyeon ay naharap na sa kasong murder. Totoo yung inis ni Nayeon. Pinatay niya si Sana dahil nalaman niyang siya pala yung dahilan kung bakit hindi siya magawang mahalin ni Nayeon nang buo. Ayun naman yung dahilan kung bakit naghanap siya ng iba. Pero sinong mag-aakalang ang asawa niya at ang kabit niya ay may nakaraang palang hindi kayang pantayan ng present nila.

"Nagkamali ako. Hindi si Jeongyeon ang may kabit. Ako talaga. May asawa na ako pero si Sana parin ang nasa puso ko. Sadyang hindi ko lang maalala ang pangalan niya."

"Mahal kita Sana, magkita na tayo. Gagawa tayo ng mas malaking castle kung saan tayo lang ang nandoon."

-----------------------------
Kinginang twist yan TT

And also, Congratulations to all winners of MAMA and MMA!

And OMO! HEART SHAKER COMING SOON!

ONCE Shots <3 <3 Where stories live. Discover now