Chapter 50: It's Him

Magsimula sa umpisa
                                    

“Alam ko naman yun eh kaso nakakainis lang kasi three weeks kitang hindi makikita” tumawa lang siya sa sinabi ko. Hindi ba siya nalulungkot na magkakahiwalay kami?

“Kahit nga ako nalulungkot rin kasi hindi tayo magkikita ng ilang lingo. Pero kailangan kong pumunta. Para sa future natin ‘to diba? Promise, araw araw kitang tatawagan” ay ano ba yan! Kinikilig ako.

“Okay. Halika, ipagluluto na kita ng breakfast”

*******

Hinatid ko si Charles sa airport. Masakit man aminin pero nalulungkot ako.

“Para namang mawawala ako ng matagal. Three weeks lang ako mawawala, hindi isang taon” sabi nito sakin.

“Kahit na! Ang tagal tagal pa rin kaya nun! Mamimiss kita!” at niyakap ko siya. Nagulantang ang katawang lupa ko nang bigla niya na lang ako siniil ng halik. Matagal yung halik namin na iyon kaya naman ay pinagtitinginan na kami. Nasa gitna pa naman kami ng airport. Oh my!

“Euphy naman. Huwag kang ganyan kundi ay baka hindi ko na kayanin ang umalis” he said while teasing me.

“Hay, naku umalis ka na nga bago pa ipagpilitan ko ang sarili ko na sumama sayo” I kissed him for the last time. “Huwag mong kakalimutan ang pasalubong ko ha? At huwag na huwag kang mambababae doon” at natawa naman siya.

“Masusunod po kamahalan!” at pumasok na siya bitbit ang mga bag at maleta niya. 30 minutes from now ay lilipad na ang eroplano niya.

Kaya ko bang matiis ang three weeks na wala siya?

Umalis na rin ako sa airport at dumiretso na sa office.

KELLY’S POV

 

Lunchtime. Kasabay kong kumain si Euphy at ang tamlay tamlay niya ngayon. Sus, namiss niya lang si Kuya.

“Euphy,cheer up!Hhuwag ka nang malungkot. Uuwi lang naman si Kuya after three weeks.” Sa bi ko dito.

“Anong magagawa ko? Eh miss na miss ko na agad yun eh” kawawa naman si Euphy. Naku, kung hindi lang marami ang trabaho nito, pinabook ko na sana ‘to ng flight papuntang Japan para masundan si Kuya.

“Okay lang yan. Akala mo lang matagal pero mamaya niyan, hindi mo inaasahan tapos na pala yung three weeks. Eh di magkikita na kayo” bigla naman siyang napangiti.

“Oo nga no? Isusubsob ko na lang muna ang sarili ko sa trabaho kesa naman sa maghintay ng maghintay. Mas lalong matatagalan”

“Tama! That’s the spirit! Go girl!” nagpatuloy na lang kami sa pagkain namin at halos natuwa naman ako nang makita kong suot suot niya yung bracelet na birthday gift ko sa kanya.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon