"Naninigurado lang ako. Baka mamaya, masamang tao pala yang kinakaibigan mo. Ayoko lang na may mangyaring masama ulit sayo" napangiti ako.



"Hindi naman sya masamang tao" kahit na may pagkasuplado at sadista yon, sa palagay ko naman hindi nya ako sasaktan.

"May pagkamasungit nga lang. Apo sya ng principal namin. At isa pa Dad, wala ba kayong tiwala sakin? May lahi atang Amazona itong anak nyo. Kayang kaya kong itumba yon" sabi ko at kunyaring sumunto sa hangin. Natawa sya sa ginawa ko.


"Nagyabang ka na naman, siguraduhin nya lang na wala syang masamang intensyon sayo. Ako mismo ang bubugbog sa kanya"



"Nako, si Papa. Feeling teenager na naman. Magpalakas ka muna" sabay kaming matawa sa sinabi ko.

"Ah basta. Kailangan kong makilala yang bago mong kaibigan para mapanatag ang loob ko. Imbitahan mo sya minsan dito sa bahay para makita ko" patago akong umirap.


Okay lang naman sa kanya kung may maging kaibigan man ako, basta ba babae. Pero kapag lalaki na kung makaasta akala mo naman magboboyfriend ako. Magkaiba ang boyfriend sa boy friend. Pareho man ang spelling, may space naman.


"Huwag na, Pa. Kaibigan ko lang naman yon, hindi boyfriend"


"Kahit na, lahat ng magiging kaibigan mong lalaki, kailangan kilala ko" pinal na sabi nya



"Eh bakit si Trevor?" Iritang tanong ko. Si Trevor ay kaibigan ko since... hindi ko alam. Nagising nalang ako isang araw, kaibigan ko na sya. Hindi ko na maalala kung kailan ko sya naging kaibigan, pero mukhang matagal na rin dahil kilalang kilala nya ako.


"Iba naman kasi sya. Alam kong mapagkakatiwalaan ko sya pagdating sayo. Sya nga pala, kumusta na nga pala ang batang yon? Wala pabang improvement sa inyong dalawa?"


"Anong sinasabi nyo, Pa?"


"Anak, malaki kana rin naman. Pwede ka nang magkaboyfriend" sabi nya na parang may pinahihiwatig.


"Sabi nyo dati hindi pa ako pwede, anyare?" Naguguluhang tanong ko.



"Bawal nga, pero kung si Trevor lang din naman, pwedeng pwede hindi kami tututol sa inyo ng Mama mo" tuwang tuwang sabi nya. Hindi ko naman napigilang umirap.


"Pa, ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo? Kaibigan ko lang si Trevor" mariing sabi ko. Mabait si Trevor, maalalahanin, gentleman at gwapo din, pero ni minsan wala akong naramdaman sa kanya higit pa sa kaibigan.


"Magugustuhan mo rin sya. Pagtuunan mo kasi nang pansin ang mga bagay na nagagawa nya para sayo. Tiyak sa huli mahuhulog karin sa kanya" hindi nalang ako kumibo para matigil na ang usapan. Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain, hindi narin naman sya nag usisa pa.

Patapos na ako sa pagkain ng maalalang hindi pa pala ako nakakapagpaalam sa kanya.


"Aalis nga pala ako ngayon, Pa"

"Saan? Sino namang kasama mo?"


"Sina Keith at Ace po. Magtatanong lang kami kung pwede kaming magstay sa resort ng tita ni keith next sunday. Birthday kasi ni Arra sa susunod na sabado, kaso napatyempong may pasok kami at kasama nya rin ang parents nya para magcelebrate, kaya gagawin nalang naming sunday"



"Oh sige, mag-iingat kayo. Magpaalam karin sa mama mo" sabi nya sabay tingin sa wrist watch nya.


"Mauna na ako, kailangan ko ng umalis. Sabihan mo nalang ang mama mo, okay?" Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi. Tumango ako.


The Badboy's Rule (ON-HOLD)Where stories live. Discover now