Chapter 20: Boss'

611 24 1
                                    

A/N: Yung mga readers na gustong ma-dedicate, comment lang kayo :))

----

Nandito ako ngayon sa isang ospital. I had no choice. Dalawang araw na akong hindi mapakali dito. Pinilit lang kasi ako ng manager at boss ko.

Nahuli na yata nila yung dalawang stalkers ko. Nakita kasi sa surveillance camera yung pagpasok at paglabas nila ng unit ko.

Sabi ng manager ko, mas okay na daw na nandito ako ngayon sa ospital kasi kung nasa labas ako, malamang pinagkakaguluhan na ako ng mga reporters. Wala naman na akong magagawa e. Tsaka nagalit din ang boss ko nang malaman niyang nakasama ko for one night si Aubrey.

Anong nangyari kay Aubrey? Hindi na nalaman ng media at mga tao na nakasama ko siya. Ang manager ko na ang tumulong sa kanya para makaalis sa unit ko na hindi nalalaman ng mga tao. Hindi pa rin kami nakakapagusap hanggang ngayon.

Napatingin naman ako sa pintuan nang bigla pumasok ang boss ko. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Himala lumabas siya ng office niya. Tss.

“Okay ka na ba?” tanong niya agad.

“Matagal na.” sabi ko.

“Na-handle na ng maayos yung tungkol sa stalkers mo. Makakalabas ka na mamaya.” naupo siya sa isang upuan.

“Bakit nagpunta ka pa dito? Kala ko ba never ka pang lumabas ng agency?” sarcastic kong tanong.

Totoo naman e. Hindi naman siya mahilig makipag-interact sa mga tao. Sa lahat ng mga artistang hawak niya, ako lang may special treatment na natatanggap.

Hindi naman nalalayo ang edad namin ng boss ko. Kyla Leslie ang pangalan niya at 27 y/o, single. Ang bata pa niya para mag-handle ng isang malaking company but she managed it well.

“May problema kasi tayo.” seryoso niyang sabi.

“Ano na naman?” napukunot ang noo ko.

“Next month, dadating si KL.” hindi naman ako nagulat.

“Oh? Hindi problema ‘yun.” confident kong sagot.

Nakita kong ang lalim ng iniisip niya kaya pati ako na-curious na. Bakit ba kasi ang laki ng problema at galit niya sa agency nila KL? Lalo na kay KL, I guessed.

“Tell me, bakit galit ka sa agency nila KL? And why are you pushing me to beat him? What’s wrong between you and his agency?” dami kong tanong.

“It’s none of your business.”

“Not my business? Eh ako nga yung ginagamit mo to beat him? So, I am part of THAT business.” inis kong sabi.

“Fine. I will tell you. Pero wag kang magugulat ah.” lumapit siya sa’kin.

“Hindi naman siguro ako aatakihin sa puso kapag nalaman ko ‘yan?” naupo siya sa gilid ng kama.

“Hindi naman. Parang ganito lang din naman yung nangyari noon nang sabihin mo sa’min yung tungkol sa kakambal mo.” seyoso na ang mukha niya at nakatingin lang sa kawalan.

“Okay. I will listen then.” umayos ako ng pagkakaupo.

“KL and I..” pabitin naman.

“What?” irita kong tanong.

“We’re siblings.” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

HTS2: The Stranger's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon