Chapter 44: Balloon

527 25 8
                                    

May due date na 'tong book 2. Hahahah! :) Si Thammy kasi eh!

Mga readers! Libre po mag-vote at comment. :D Daming readers, puro SILENT. Haha. Pero thanks pa din! :D

UD ulit tom! ^^V

Ang gwapo ni JL >>

Enjoy!

---

 Aubrey’s POV

Nandito kami ngayon ni JL sa isang Italian restaurant. Hindi ko alam kung kalian pa siya nahilig sa ganitong kainan. Dati kasi gusto niya sa simple lang.

“Oh, ba’t di ka kumakain?” Nagulat na lang ako nang bigla siyang nagsalita. Pinapanood ko kasi siyang kumain ng pasta.

Nanibago kasi ako eh. Dati, kapag kumakain kami, hindi na niya tinu-twist sa tinidor niya ‘yung pasta.

“I wondered when did you learn to eat pasta..” sabi ko at napatigil siya sa pagkain.

“Ah. H-hahaha. What? Aubrey, ilan taon na lumipas, wag ka nang magtaka kung maraming nagbago sa’kin..” Nagpatuloy na siya sa ulit sa pagkain.

“Hindi ka pa ba kakain?” sabi pa niya. Napatango na lang ako at nagsimula nang kumain.

Bigla tuloy akong napaisip, ito na ba ‘yung date na sinasabi niya? I just can’t believe it.

“So, saan mo gustong magpunta after nating kumain?” tanong niya.

“It’s your birthday. You should choose where you want.” sagot ko.

“Alam mo, wag ka nang mailang sa’kin. Isipin mo na lang na hindi mo ako INIWAN noon tapos hanggang ngayon tayo pa rin..”

Ba’t parang nasaktan ako n’ung binanggit niya ‘yung salitang ‘INIWAN’. Tapos, ano daw? Kami pa rin? Ibig-sabihin ba nito, we’re back together again?

“Aubrey, ano ba? Hindi ka na ba iimik diyan?”

HTS2: The Stranger's VengeanceWhere stories live. Discover now