Chapter 43: Pick up..

480 24 2
                                    

SORRY THAMSSS! TAGAL MAG-POST EH!! :D

---

Aubrey’s POV

Nagulat ako sa sinabi ni JL kaya napatakbo ako sa pinakamalapit na CR.

Nangangatog kong kinuha ang phone sa bag ko para tawagan si Anika pero una kong napansin ang isang unread message galing kay JL.

“JL: Puntahan mo ako dito sa parking area. ASAP.”

3:30am ang nakalagay na oras. Bigla akong napaisip. Ibig-sabihin, bago pa siya makaakyat sa unit niya, ako muna ang tinext niya?

Ako dapat. Ako dapat ‘yung niyakap niya n’ung time na ‘yon pero ang tanga ko lang, hindi ko naisipang i-check ang phone ko n’un.

I dialed Anika’s number para sabihin ang nangyari. Kailangang ilabas ko ‘to, sasabog ang puso ko kapag sinarili ko lang.

[“Yes?”] sagot niya.

“B-best, busy ka?” I said stummering.

[“Hindi naman. May problema ba? Ba’t nauutal ka?”]

Naghe-hesitate ako kung sasabihin ko ba agad sa kanya? Di kaya mali lang ako ng intindi kay JL. Pero diba sabi niya..

“I want you back, Aubrey. Let’s start again.”

Anong ibig-sabihin n’un? Naguguluhan ako.

[“Hey..”] Bigla ko na lang naalala na kausap ko pala sa phone si Anika.

“Ah, wala. So, kamusta ang wedding preparations niyo ni kuya?” tanong ko. Mas mabuti siguro kung lilinawin ko muna ang lahat.

[“Okay naman. Hindi ka pa ba uuwi dito? Miss ka na namin eh.”]

“I’ll be back soon. I have--- Anika, I’ll call you later..” I hunged up when I noticed that someone’s standing outside at alam ko kung sino ‘yun.

Bakit niya ako sinundan?

“Hindi ka pa ba tapos?” Nagulat ako nang bigla na lang siyang pumasok sa loob.

“B-bakit ka pumasok? CR ng girls ‘to.” sabi ko pero hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.

“Ba’t hindi ako papasok, eh dinala mo puso ko.”

Ha? Tama ba ‘yung narinig ko? Hindi ko alam kung kikiligin ako, o ano.

“Tama na titig sa’kin, natutunaw na ako eh.” sabi pa niya at bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko.

“T-teka, saan tayo pupunta?” tanong ko habang hila-hila niya ako.

“Uhmmm.. Mag-ce-celebrate?” nakangiti niyang sabi.

I was like ‘is this real?’. I longed for that smile. Ngayon ko na lang ulit nakita ang ngiti niya na parang ang saya-saya niya. Totoo na ba ‘to?

“Celebrate?”

“So, hindi mo na naaalala? Gara nito. Hmp..” Binitawan niya ang kamay ko at padabog naglakad palayo.

I chuckled. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa ginawa niyang pagwo-walk out. Kung umasta siya ngayon, parang bata.

Sinundan ko lang siya hanggang sa huminto siya sa harap ng ferris wheel at tinignan ito ng masinsinan.

Kinuha ko ang phone ko para picture-an siya. Pero iba ang nakita ko nang buksan ko ang phone ko.

HTS2: The Stranger's VengeanceWhere stories live. Discover now