Chapter 21: Another Twin

638 26 1
                                    

Isang linggo na rin ang nakalipas nang makalabas ako ng ospital. Puro pahinga lang din ang ginawa ko kasi umiwas kami sa media. Ayaw ko na rin kasing magsalita tungkol sa malagim na nang-yari sa’kin. Ayaw ko na rin alalahain.

Tatlong araw na rin ako dito sa beach resort namin. Sabi kasi ni mommy magpahinga muna daw ako. Pero hindi pa naman ito yung sinabi kong 1 month hiatus. Hindi pa kasi tapos yung movie na ginagawa namin kaya hindi pa ako pwedeng mawala, I mean magbakasyon.

Nakaka-relax naman dito tsaka maraming turista at laging bukas ang mga bar kaya hindi naman ako naiinip kahit mag-isa lang ako. Hindi na kasi ako nagpasama pa sa mga assistants at manager ko kasi nga gusto kong magpahinga.

Isang reason pa pala kung bakit ako pinapunta ni mommy dito kasi may gaganapin daw na event dito. Hindi siya pwede kaya sabi niya ako na lang ang mag-manage. Sabi rin niya hindi ko naman daw kailangang magpakita sa event na ‘yon, ang mahalaga lang daw nandito ang may-ari ng resort, which is me.

“Sir Louie, would you mind if we enter your room for cleaning?” tanong ng receptionist.

Sa hotel lang kasi ako tumutuloy dito. Ayaw ko sa villa, ako lang kasi ang tao dun. Takot ko lang mag-isa. Tsk.

Hindi rin pala ako nagpapapasok ng kung sinu-sino sa room ko kaya naman nagpapaalam muna sila kung maglilinis o ano pa man.

“Go ahead..” sagot ko.

Naglakad-lakad muna ako malapit sa dalampasigan para makapag-relax naman. I’m just wearing board shorts, as in yung lang. Gusto ko rin kasing ma-expose sa araw ang katawan ko.

Sa paglalakad ko, dalawang bata ang nakapukaw ng atensyon ko. They’re not just children, they’re my niece and nephew.  Kambal din sila.

“Alekx and Alekxa, come here.” tawag ko sa kanila.

Agad naman silang tumakbo papunta sa’kin. Anak sila ng pinsan ko. Nasa lahi kasi namin ang kambal e. Wala manlang pasabi si mommy na nandito sila. Tsk.

“Uncle, look, I got this from daddy.” pinakita ni Alekx sa’kin yung relos niya.

“I asked daddy for that but he gave it to Alekx..” sabi naman ni Alexa.

“Don’t worry. Uncle will by a pair of watch for Alekxa.” hinawakan ko sila sa magkabilang kamay ko.

6 y/o na ‘tong dalawang ‘to. Lumaki sa America kaya naman sanay silang mag-english. Spoiled din kasi sila e.

“Uncle! Uncle! You know, I really wanted to be a singer like you. I want to sing and I want to act also..” sabi ni Alekx.

Huminto kami sa paglalakad at naupo kami sa isang tabi malapit sa dagat.

“Do you want to be like uncle? You should study well, for you to like me when you grow up.” nakangiti kong sabi.

Nahiya naman ako sa sinabi ko. Parang hindi naman ako nag-aral noon. Haha. Inuuto ko lang ang mga bata baka gayahin ako e.

“How about you Alekxa? What do you like to be when you grow up?” nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nilalaro ang buhangin.

“I want to be like Aubrey..” napanganga naman ako sa sagot niya.

“W-why?” tanong ko pa.

“Because she’s very beautiful. She sings well, she can do everything. She’s perfect..” bata-bata pa lang ang dami ng alam. Tss.

HTS2: The Stranger's VengeanceWhere stories live. Discover now