Chapter 26: Fiancé

572 27 1
                                    

Vote and Comment!

--

“Ikaw ang mommy nila?” tanong ni Aubrey.

Hahahaha! Natatawa ako. Kaya lang usapang babae ‘yun eh. Bahala silang dalawa. Ang seryoso kasi ng mukha ni Aubrey. Hindi manlang ba niya naisip nabaka trip lang din ng mga bata si Marianne? Tsk.

“Kung ano ang narinig mo ‘yun na ‘yon!” sabi pa ni Marianne na parang nang-aasar. Haha.

“Kids, come to MOMMY. Daddy will talk to Aubrey for a while..” tawag ni Marianne sa mga bata at lumapit naman agad yung dalawa.

“Honey, I’ll see you later. Wag ka ng magpagabi pa. Baka hindi ka na makapasok sa kwarto na’tin..” hinalikan muna ako ni Marianne bago umalis. Haha. Adik, halikan daw ba ako sa lips, sa harap pa ni Aubrey. Langya talaga ‘yun!

“Okay. Take care of the kids!” sabi ko at kinindatan ko si Marianne. Hehe.

“Si Marianne ba?”

Aubrey’s POV

Habang nagkakasiyahan dito sa rooftop, naisipan kong magpalamig muna. Although, mahangin naman dito sa taas, mas  gusto ko kasing tumambay sa seashore eh. Tsaka ang dami na ring tao dito. Halos lahat yata ng friends ni kuya inimbitahan niya.

“Best, baba muna ako ha.” I pecked on her cheek.

“Oh, gabi na ah. Magpasama ka kay Eljae..”

Speaking of Eljae, siraulo si kuya bigla na lang akong pinamigay. Haha. Pero hindi ko pa naman alam kung magpapaligaw ako kasi alam niyo naman isa lang naman talaga ang gusto ko.

“Hindi na. I can manage. Tsaka diyan lang naman ako..” tumango na lang si Anika at naglakad na ako.

“Aubrey, saan ka pupunta?” tanong ni Eljae.

Si Eljae, mabait siya. Super ang respeto niya sa’kin. Kahit na may nagawa akong hindi maganda sa kanya noon, hindi pa rin nagbago ang tingin niya sa’kin. Hindi naman siya mahirap mahalin eh. Hindi ko nga lang talaga alam kung bakit wala pa siyang asawa ngayon. 26 na sila ni kuya eh. Dapat magpakasal na rin siya. Hehe.

“Ah, maglalakad-lakad lang..” sabi ko.

“Samahan kita?” ngumiti siya.

At dahil sa ngiti niya na ‘yun, namula ang mukha ko. Nawala kasi yung dalawang mata niya nung ngumiti siya eh. Parang si Justin noon, kapag gusto kong mag-eyesmile siya. Nakaka-miss lang.

 “Aubrey, ano, samahan kita?” tanong pa niya ulit.

“Ah, eh. Hindi na. Sandali lang naman ako eh. Dito ka na lang, bantayan mo si kuya ha!” sabi ko at naglakad na ulit ako.

Hindi ko pa rin makalimutan kung paano nakipagusap si JL kay Anika kanina. Nakaramdam ako ng selos. Oo, alam kong friends sila, pero parang nasaktan ako eh. Knowing na si Anika tinuturing pa niyang kaibigan hanggang ngayon tapos ako.. Ano nga ba ako sa kanya ngayon?

Ngayon na may anak na siya? Parang ang pangit namang tignan kung mag-assume pa ako kay JL, may anak na siya kaya malamang may asawa na rin siya. Pero bakit parang hindi naman nabalita ‘yun? Dahil ba mahabang panahon na rin ang lumipas o baka sikreto ang tungkol sa pamilya niya?

Nang makalabas na ako ng hotel. Naglakad na ako papunta sa seashore. Gusto ko lang kasing mag-isip-isip kaya hindi na ako nagpasama pa kay Eljae.

“Aubrey! Pa-picture naman!” sabi ng isang babaeng lumapit sa’kin.

HTS2: The Stranger's VengeanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora