Chapter 33: For You..

559 25 3
                                    

Eto na UD :)) Promise may maiinis sakin kapag nabasa 'to. Hahaha! Wala akong magawa. Writer's block eh. Vote and comment para sa mabilis na UD. :))

Hello nga pala sa BSTM-1B ng BulSu :) ♥

---

Anika’s POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Aubrey. Tinawagan kasi ako ni Marck dahil hindi niya raw alam kung nasaan ang kapatid niya.

Wala kasi ang ibang gamit nito sa kwarto niya pero hindi naman namin maisip na naglayas si Aubrey dahil nandito pa rin ang mga damit niya. Saan naman kaya naglusot ‘yung babae na ‘yun?

“Tinawagan mo na?” tanong ko kay Marck.

“Oo naman. Kanina pa. Hindi rin alam ng manager niya kung nasaan siya ngayon kasi wala naman daw silang schedule ngayong araw.” sagot niya habang palakad-lakad. Halata namang nag-aalala ‘tong si Marck. Hindi ko naman siya masisisi, kapatid niya ‘yun at mahal na mahal niya si Aubrey.

“Si KL ba nasaan?” tanong ko pa.

“Alam ko hindi sila magkasama kasi nagkaroon sila ng misunderstandings.” paliwanag pa nito.

“Teka nga Marck. Pwedeng maupo ka muna? Nahihilo na ako sayo eh. Lakad ka ng lakad diyan. Wala namang magagawa ‘yang palakad-lakad mo.” sermon ko. Okay, ako na masungit.

“Hindi nga kasi ako mapakali. Kagabi lang magkausap pa kami. Pinaalis ko muna kasi si KL n’ung isang araw tapos sinabi ko sa kanya ‘yun. Tapos wala na.”

“Hello Marck, 25 na si Aubrey. Malaki na ‘yon. Alam mo namang may pinagdadaanan ‘yung kapatid mo. Baka naman lumabas muna at nagpahingin lang.” sabi ko.

Hindi naman sa okay lang sa’kin ang nangyayari. Pero alam ko talaga kung na saan si Aubrey. Hehe. Sabi niya kasi wag kong sabihin sa kuya niya eh. Syempre mas mahalaga pa rin si Aubrey. Best friend ko ‘yun eh.

Sabi sa’kin ni Aubrey may kailangan lang daw siyang asikasuhin at wag daw akong mag-alala. Alam naman daw niyang hahanapin siya ng kuya niya kaya minabuti niyang wag dalin ang phone niya. Haha. Pasaway lang?

Pero mas okay na rin na makapag-isa muna siya, kung mag-isa talaga siya ngayon. Hindi naman kasi niya binanggit kung may kasama siya eh.

Naaawa na rin kasi ako sa best friend ko. All this years, hindi ko na yata siya nakitang sumaya. Oo, masaya siya kapag kasama kami pero ‘yung dating pagkamasiyahin niya nawala na.

Kilala niyo naman si Aubrey noon, may pagkapilya siya pero ngayon kung tutuusin wala na siyang ginawa kundi magtrabaho at ipilit sa sariling niyang magmu-move on na siya.

Hindi ko nga rin alam kung bakit hanggang ngayon isang tao pa rin ang tinitibok ng puso niya. Kung iisipin ko nga, posible palang magmahal ang isang tao kahit na pitong taon silang hindi nagkasama. Hindi ko kasi naranasan ‘yon. Never kasing umalis sa tabi ko si Marck, ni-hindi nga siya nagpa-miss man lang eh.

Sana makita na rin ni Aubrey ang magpapasaya sa kanya. Alam ko namang mag-iisip-isip siya ngayon nagpaalam siya sa’kin. Kahit na hindi niya sabihin, alam ko kung ano ang binabalak niya. Alam ko rin naman kung anong nararamdaman niya ngayon.

Mahirap din para sa kanya ang makasama ang taong mahal niya tapos hindi siya mahal? Parang tinotorture si Aubrey.

“Baka may sinabi siya sayo.” Nagulat na lang ako nang magtanong si Marck. Kwento ako ng kwento, nakalimutan kong magkasama pala kami.

HTS2: The Stranger's VengeanceWhere stories live. Discover now