Chapter 60: YSS

502 14 25
                                    

Ayaw ko talagang i-post 'tong chapter na ito. Gustong-gusto ko siyang ipagdamot sa inyo pero paano ko ipopost 'yung mga kasunod. T___T Hindi ko alam kung paano ko ginawa ito. Basta, feeling ko rin kasi ang SABAW eh. Sana naman mag-vote and comment kayo. And for your infor guys, tapos ko na itong book 2. :D Ayaw ko lang ipost lahat dahil magdidwang 'yung isa diyan, ( tamaan ka, THAMMY ). Sana talaga maging active na 'yung mga readers ko, patapos na 'to eh. Please? :(  Sana magustuhan niyo 'tong chapter na ito. :D

 ----

JL’s POV

Magdadalawang buwan na kami ni Aubrey. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano. Hindi ko maintindihan at hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman.

Nandito kami ngayon ni sir Tristan sa YSS. ‘Yung paboritong lugar namin ni Justin noon. Matagal na rin kasi akong hindi nakakapunta dito.

Gusto ko nang maging totoo kay Aubrey. Mamahalin ko siya nang higit pa kay Justin. Handa akong gawin ang lahat para ako lang ang mahalin niya.

Alam ko naman na sa simula palang ay hindi ko na kayang saktan si Aubrey. Kahit ginusto kong masaktan siya ng sobra dahil sa nangyari noon, hindi ko talaga kaya. Natatalo ng puso ko ang isipan ko

“Tsk. Sabihin mo na kasi.” sabi ni sir Tristan.

Dahil siya lang naman ang tanging tao na pwedeng paglabasan ko ng sama ng loob bukod kay Paula, sasabihin ko na sa kanya ‘tong nararamdaman ko.

Sana hindi siya magulat. Natatakot din ako na baka pagtawanan ako nitong kasama ko. Sana lang maintindihan niya ‘yung mga sasabihin ko.

“Pinapunta ko si Aubrey dito. Sasabihin ko rin sa kanya ‘yung sasabihin ko sayo.” sabi ko.

“Ano nga kasi ‘yon? Tagal naman eh!” inip niyang reklamo.

“Pinag-isipan ko itong mabuti.” seryosong sabi ko.

“Haha. Natatawa na lang ako sayo JL. Napakaseryoso mo ngayon. Hindi ako sanay.” natatawang sabi niya.

“G*go ka sir. Namumublema na nga ako tapos ganyan ka pa.”

“Gusto lang kitang patawanin.” Kinuha ko ‘yung isang bote ng beer sa harap ko at ininom iyon.

“Patawanin? Sobrang kaba ang nararamdaman ko sir. Feeling ko may iba pang mangyayari. Hindi ko ma-explain pero kinukutuban ako.” paliwanag ko.

Kanina pa kasi ako nakakaramdam ng kakaiba. Hindi ako sigurado pero parang bigla akong natakot. Hindi naman ito dahil sa pagtatapat ko kay Aubrey. Parang may iba pang dahilan.

Maging maayos naman sana ang lahat.

“Hahaha. Ano nga kasi ‘yang inaarte mo?” sabi pa ni sir.

Ito na talaga. Sasabihin ko na sa kanya bago pa kami malasing pareho. Maaga pa para malasing. Tsaka mukhang naiinip na talaga siya.

Justin’s POV

“Ilang oras mo pa ba ako balak paghintayin d’yan sa sasabihin mo?” naiinip na tanong n’ung kasamang lalaki ni Louie.

“Sasabihin ko na nga. Ito na nga kasi..” nahihiyang sabi naman ng kapatid ko.

Nang makabalik ako galing America, ito agad ‘yung unang lugar na naisip kong puntahan. Wala akong ginustong makita kundi ‘yung ala-ala naming magkapatid.

Sabik na sabik na akong makita at malapitan ang kapatid ko kaya hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan at surpresahin siya. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito.

HTS2: The Stranger's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon