Chapter 17: Stalker?

601 25 1
                                    

“Ihahatid mo pa ako diba?” e bakit parang willing na willing siya? Kanina parang ayaw niya. Tsss.

“Bakit hindi ka magpasundo kay KL?” di ko na alam kung saan ko kinukuha yung mga sinasabi ko.

“Ang layo niya e. Tsaka I don’t wanna waste your offer.” May gan’un pa siyang nalalaman?

“Fine then..” umalis na ako, nawalan na ako ng gana. Kaasar.

-After an hour-

“H-hey. Teka lang naman!” reklamo niya.

“H-huwag mo kaya akong hatakin. Kidnapper ka ba?” tinignan ko lang siya ng masama.

“I just wanted to go home early. I’m effin’ tired.” Oo, promise, nakakaramdam na ako ng pagod.

Hinatak ko siya hanggang sa makarating kami sa parking lot kung nasaan ang kotse ko.

“Key?” sabay abot naman sa’kin ni manong driver ng susi.

“Meet my Jaguar.” sabi ko kay Aubrey at pinasakay ko na siya.

“Nice..” nakangiti niyang sabi.

Inikutan ko yung kotse ko at sumakay na ako sa driver’s seat. Abala naman si Aubrey sa paglibot ng bata niya sa loob ng kotse ko.

Actually, this is the first time na nagpasakay ako ng ibang tao sa kotse ko. Dati kasi yung mga babae, kusa na lang sumasakay kahit hindi ko naman sinasabi. Tsk.

I started the engine and tried to drive faster. I really want to rest na! Parang magkakasakit yata ako e.

HTS2: The Stranger's VengeanceWhere stories live. Discover now