Chapter 3: She's coming back

841 25 0
                                    

Sheeeteee! Sakit ng ulo ko! Hang-over yata ‘to e. Adik kasi si Sir Tristan, nilasing ako e! Tsk. Paano ako magtatrabaho nito.

Dito nga pala ako umuwi sa condo ko, since malapit lang naman ‘to sa bar na pinanggalingan ko kagabi. Take note, hinatid pa ako ni Sir Tristan dito, sobrang lasing ko yata kagabi. Hay nako.

Oh? Magtatanong na naman kayo kung ano nangyari kagabi? Wala no, uminom lang kami at nagkwentuhan sandali. Mga chismosa kayo e. Joke lang. Mahal ko kayo e.

And by the way, yung sa amin ni Justin? ‘Sus, alam na ni Sir Tristan ‘yon. Ang galing nga niya e, parang spy lang. Hahaha.

*flashback*

-7 years ago-

“Janjan!” tawag sa akin ni Sir Tristan.

Ewan ko, bigla niya akong pinapunta dito sa bar niya e, kailangan ko pa namang hanapin si Justin. Hay nako.

“Sir, Louie na lang. Nakakahiya oh, ang daming chiks baka sabihin nila ang totoy-totoy ko.”

“O’right. JUSTIN.” Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. I was like ‘HUH??!’.

“May hindi pa ba ako alam sayo?” seryoso niyang tanong at naupo sa isang table.

“What do you mean?” tanong ko din at naupo ako sa tabi niya.

“Sino ba si Justin?”muntik ko nang mabuga yung iniinom ko dahil sa tanong niya.

“Justin?” tapos uminom ulit ako para mawala yung pagkasamid ko, “Saan mo naman narinig ‘yan Sir?” at nagpunas ako ng bibig.

“Sa kapatid ko.”at medyo nilapit niya yung mukha niya sa’kin. Shet, nababading na yata ‘tong si Sir Tristan sa’kin. Kailangan ko na yatang dumistansya?

HTS2: The Stranger's VengeanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora