Chapter 49: Oppa

477 12 0
                                    

Add niyo yung mga characters ng HTS :))

www.facebook.com/aleinecortez

www.facebook.com/jlouieklein

www.facebook.com/jjustinklein

----

Aubrey’s POV

Isang linggo na ang lumipas simula nang makauwi ako dito sa Pinas. Sabi rin naman ni JL, uuwi na rin siya. Hindi ko nga lang alam ‘yung exact date.

“Unnie, should we go out with our oppas?” tanong na naman sa’kin ni Emjae.

Oo, dito na nga siya sa nakatira. For the mean time lang naman daw sabi ni Eljae. Wala rin naman kaming magawa ni kuya Marck dahil mahirap tanggihan ang magkapatid lalo na’t malapit na sila sa pamilya namin.

“Emjae, kuya Marck is really busy. I suggest that we should go without him. What’d you think?” Ang totoo niyan, may date lang talaga si kuya at Anika. Tsaka may inaayos pa rin sila para sa kasal nila. Malapit na ‘yun!

“Okay. Let’s go out with my oppa then..” sabi niya at nagmartsa na siya palabas ng bahay.

Lalabas na sana ako ng bahay nang biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko naman itong sinagot dahil si JL ang tumatawag.

“Yes po?” sabi ko.

[“I’m here na.. Magpapahinga lang ako. I will call you later kung magkikita tayo.”]

“Oh? Hindi mo manlang sinabi sa’kin na ngayon ang uwi mo? Hindi kita nasundo sa airport.” sabi ko pa.

[“Okay lang. I need to rest na. I’ll see you baby..”] with that, he hunged up.

Simula n’ung naging kami ulit, kung anu-ano na tinatawag niya sa’kin. Honey, Baby, Babe at kung anu-ano pa. Kulang na kulang ba kami sa tawagan dati? Hmm..

“Unnie! Let’s go na!” sigaw ni Emjae sa labas. 

Nagmadali na akong lumabas dahil lalo pang mangungulit ‘tong si Emjae. Simula n’ung umuwi ako, naging baby sitter na lang niya ako.

“I texted my oppa na sa mall na niya tayo hintayin.” Tumango na lang ako at sumakay na kaming pareho sa kotse.

“Unnie, mabait ba si JL na maging boyfriend?” Kahapon niya pa tinatanong ‘yan.

“Sometimes..” I chuckled. Totoo naman eh, minsan lang siya mabait. Haha. 

“Aish. I envy you unnie! I want to have a boyfriend like JL. He’s really handsome pero hindi ko pa siya nakikita sa personal.” sabi pa niya.

“You will meet him probably this week. Kakauwi niya lang eh.”
 

Nagkwentuhan lang kami ni Emjae habang nagda-drive ako. Kalmado naman siya kapag wala sa paligid si kuya Marck. 

Sinalubong kami ni Eljae sa main entrance ng mall. Buti na lang at wala masyadong tao sa mall dahil Tuesday ngayon.

Naunang maglakad si Emjae, kaya naman magkasabay kaming naglalakad ng kuya niya.

“Pasensya ka na ha?” biglang sabi ni Eljae.

“For what?”

“Sa pagtira sa inyo ni Emjae. Hindi ko pa kasi naayos ‘yung bahay..”
sabi pa niya.

“Don’t worry about it anymore. Hindi naman na kayo iba sa’min tsaka masaya namang kasama sa bahay ang kapatid mo.”
sagot ko naman.

“Pinoproblema ko nga kung paano ko sasabihin kay Emjae na ikakasal na si Marck eh.” Natigilan ako sa sinabi niya.

Bigla kong naisip si Anika. Hindi pa rin pala alam ni Anika ang tungkol kay Emjae. Nag-aalala ako. Ang ganda na ng kwento nila kuya Marck tapos.. Ugh, ayaw kong isipin!

6pm na nang matapos mag-shopping si Emjae. Nag-shopping na rin ako para kahit papaano nalibang ko ang sarili ko.

“Let’s go?” tanong ko kay Emjae na mukhang ayaw pang umuwi.

“Hmmm. Let’s---- OPPA?!” Nagulat kami pareho ni Eljae nang tumakbo si Emjae palayo sa’min.

Mas lalo pa kaming nagulat nang makita namin si kuya Marck at Anika. 

“OMG..” bulong ko na lang.

Agad naman kaming lumapit ni Eljae. Mukhang nagtataka si Anika dahil todo kapit si Emjae kay kuya Marck.

“Oppa, why you didn’t tell me na dito ka pupunta? Edi sana sabay-sabay na tayo.” sabi niya kay kuya at napataas na lang ang kilay ni Anika.

“Ah. Emjae, kasi –“ Hindi na nakasagot nang maayos si kuya dahil hinatak na siya ni Emjae.

“I wanna go home with you!” sabi pa ni Emjae at mukhang iritang-irita na si Anika.

“Anika, let—“ Mag-e-explain palang sana ako nang biglang hinabol ni Anika ‘yung dalawa at inagaw si kuya.

“Excuse me?” sabi ni Anika.

“And you are?” mataray na sagot ni Emjae.

Wag naman sana silang gumawa ng gulo dito sa mall diba? Wag naman sana.

“Eljae, do something!” bulong ko sa katabi kong tulala na.

“Look, I am his fiancé..” sabi ni Anika at ipinakita niya ang engagement ring nila ni kuya. It made Emjae’s eyes widen.

“Jae, let’s go. Don’t ruin their day.” aya ni Eljae pero nakatingin lang si Emjae kay Anika.

“I am not ruining their day. Marck is mine. What.. fiancé? Duh?” Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mukhang iiyak na kasi si Emjae. Ayaw ko namang masabihan na may kinakampihan ako.

“So, Marck didn’t tell you? That’s nice. I don’t know who you are but please don’t draw near my fiancé..” mataray na sagot ni Anika.

“Guys, stop this nonsense..” After 12565 years, nagsalita na ang magaling kong kuya.

“Oppa, what’s this?” tanong ni Emjae.

“Jae, it’s true that she’s my fiancé..” mahinang sabi ni kuya.

“See? So, stop flir---“ 

“Anika, stop!” galit na sabi ng kuya ko.

Aww. Nag-aaway sila. Nakakainis lang. Wala akong magawa. Ayaw kong sumali. Ba’t kailangan nilang mag-away?

Umiiyak na tumakbo palayo si Emjae. Susundan na sana siya ni Eljae pero sabi ni kuya siya na ang bahala. Lalo pang nainis si Anika dahil sa ginawang paghabol ng kuya ko.

“Anika, I’m so sorry..” sabi ni Eljae pero nag-walk out lang ang best friend ko kaya sinundan ko na.


Anika’s POV

T*ng*na lang. Sorry for the term pero kasi nasasaktan talaga ako. Bakit ‘yung babaeng ‘yun ang hinabol niya, bakit hindi siya nag-stay sa tabi ko?

I am enduring this for weeks! Yes, ilang linggo na kaming hindi nagkikita ni Marck dahil sa babaeng ‘yun! Alam ko na ring sa kanila nakatira si Emjae ngayon. Hinihintay kong sabihin sa’kin ni Marck pero never siyang nag-open ng topic tungkol sa babaeng ‘yun.

“Anika..” tawag sa’kin ni Aubrey pero hindi ko siya pinapansin. Hindi rin niya sinabi sa’kin ang totoo.

I saw them.. I saw Marck and that girl cuddling the last time I went to their home. Hindi ko nga sila inabala sa ginagawa nila tapos ito pa mapapala ko? Sh*t lang.

Nanahimik na lang ako. Kanina ko na nga lang nalabas ang inis ko dahil bigla-bigla na lang siyang kumapit kay Marck na parang tuko. Nakakainis talaga! Feeling ko, I’m being denied here.

“Anika, talk to me. Please..” Huminto na ako sa paglalakad nang makarating kami sa parking area.

“Wala tayong dapat pag-usapan..”sabi ko.

“Sorry. Sorry for not telling you. Natatakot lang ako sa pwedeng mangyari kaya hindi ko sinabi sayo..” 

“Aubrey, you know me very well. As long as kaya kong intindihin, iintindihin ko. Pero ito? Parang ako pa ang mali.”Sa sobrang inis ko, hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

“Bata pa si Emjae kaya wala pa siyang idea sa mga ganitong bagay. She’s just 19. Matagal niyang hindi nakita si kuya kaya gan’on siya.” paliwanag pa niya.

Ang point ko lang naman, bakit hindi sinabi ni Marck na may fiancé na siya para tigilan na siya n’ung babae na ‘yon?” Biglang napaisip si Aubrey sa sinabi ko. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya kaya.

“Spill it..”sabi ko.

“Emjae.. She’s..” 

“What?”inis na sabi ko, dahil ayaw niya pang sabihin.



“She was my brother’s fiancé..” 

Parang nanghina ako dahil sa sinabi niya. Marck’s fiancé? Are they kidding me? Dapat dalawa fiancé? 

“Look, Anika, kapatid lang ang turing ni kuya kay Emjae. Hindi gusto ni kuya na kilalanin siya ni Emjae na fiancé niya. Ikaw ang papakasalanan ni kuya.” sabi pa niya.

“Kapatid lang din ang turing sa’kin ng kuya mo dati..”sabi ko at sumakay na ako ng kotse.. kotse ni Marck. Good thing, he lent me a spare key. 

Dahil sa makulit si Aubrey, sumakay din siya ng kotse. I know her, hindi niya ako iiwan hangga’t hindi ako okay.

“Kailan mo pa alam?” She’s talking about kung kalian ko nalaman na sa kanila nakatira si Em.. Tsk. That girl.

“Long time ago. Paanong hindi ko malalaman? Kapag tatawag ako, bigla pinuputol ni Marck. Nagpupunta ako sa bahay niyo tapos makikitang kong.. Ugh, naglalandian sila? Is that make any sense?”Sorry for word, inis lang ako.

“Aubrey, akala ko iniiwasan ako ni Marck pero hindi pala. Dahil sa babaeng ‘yun hindi na kami masyadong nakakapagkita ni Marck. To the point na, ikakasal na kami..” Isinubsob ko na lang ang ulo ko sa manibela. Nakakainis lang talaga.

“You’re being jealous..” sabi pa nia Aubrey.

“Hello? Atleast ako may karapatang magselos. Eh, siya? Wala siyang karapatang gan’unin ako. Lalo na… sa harap niyo? She’s getting on my nerve!”inis pang sabihin ko.

Aminado naman akong nagseselos ako pero sobra na. Nagpasensya na nga ako n’ung nalamang ko ang totoo eh. Tama na ‘yung ginawa kong pananahimik. 

“Mag-bar tayo.” mabilis na aya ko kay Aubrey.

Nag-drive na ako hanggang sa makarating kami sa isang bar na konti lang ang tao. Hindi kasi kami pwedeng magpunta sa bar na marami ang tao dahil kasama ko si Aubrey.

“Anika, I have something to tell you..” sabi niya nang makalabas kami ng kotse.

“What’s it?” I asked.

“JL asked me to leave my career.” May panghihinayang sa boses niya pero nakangiti pa rin siya nang sabihin niya iyon.

“I’ve decided to do everything for him. I will risk anything, Anika..” sabi pa niya.

“It’s all your choice. Don’t do something that you will regret.” payo ko sa kanya.

Kanina ko pa nararamdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Alam ko namang si Marck lang ‘yun. Hayaan ko muna siya. Ay mali, hayaan niya muna pala ako.


Aubrey’s POV

Mas mabuti na kung sasabihin ko na agad kay Anika ang plano kong pag-alis sa entertainment industry. Para hindi na rin siya magulat.

Naglakad na kami papasok ng bar. Hindi ko alam kung bakit naisipan naman niyang uminom ngayon. Alam kong may problema sila ni kuya pero iinom siya? First time ‘to.

“So, anong plano mo sa kuya ko?” I bothered to ask.

“I dunno. Wag muna natin siyang pag-usapan.” inis na sabi niya.

“Hindi mo naman siguro iniisip na wag ituloy ang kasal diba?” Kasi diba nga, parang iba na ‘yung away nila ngayon. Natatakot lang ako.

“Hahahaha. Aubrey, come to think of it, parang away bata lang ‘to.” Ang weird. Kanina inis na inis siya tapos kung maka-tawa ngayon parang walang problema. Tsk.

Hinayaan ko na lang siyang tumawa ng tumawa, malamang mamaya iiyak ‘yan. I know her very very well.

Nang makapasok kami sa bar, naghanap muna kami ni Anika ng pwesto na wala masyadong tao. Mahirap na kasi kapag nakilala nila ako.

“CR lang ako..” paalam ni Anika.

Habang naglalakad ako, parang may nakita akong pamilyar na likod ng lalaki. Pamilyar lang naman. 

N’ung una hindi ko na pinansin pero nagulat na lang ako ng may hinalikan siyang babae at pareho silang tumawa. 

Hindi ko makita ‘yung mukha n’ung guy dahil madilim sa pwesto nila. Mukhang hindi naman siya kaya naupo na lang ako sa isang seat medyo malapit sa counter.

Biglang napalingon sa side ko ‘yung lalaki. My heart skipped a beat when I found out that it was..




“JL?”

HTS2: The Stranger's VengeanceWhere stories live. Discover now