Chapter 28: Aphrodite

795 25 8
                                    

Chapter 28: Aphrodite

Naging tahimik ang journey namin sa paglalakad pauwi. Buti na lang malapit na yung bahay namin, at ngayon nandito na nga ako sa tapat.

Kumaway muna ako sa kanila na paalis na bago tumalikod at nagbuntong-hininga. Hinawakan ko yung pisngi ko, medyo masakit pa pero di gaya ng kanina. Matatakpan rin ng cream na nilagay dito ni Achilles yung sugat ko so di ko na kailangan mag-alalang makita to.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng bahay namin papasok pero nakita ko ang kotse ni daddy.

Eh? Ang aga naman ata niya?

Binuksan ko na ang pinto at nakita ko agad sina mommy at daddy na nakaupo sa living room, sa harap nila ay nakatalikod sa'kin na babae judging by her long and shiny black hair.

"P-princess," bati ni mommy nang makita ako at lumapit sa'kin. "Halika na may papakilala ako sa'yo."

She tried to sound cheerful but she just appeared nervous to me. Why?

Lumapit kami at humarap sa'kin yung bisita. Nanlaki ang mata ko at halos lumuwa na 'to nang makita ko siya. Di ko alam kung ito na ba o salamin lang tong kaharap ko.

"Aphrodite, meet your Tita Aphrodite, sa kanya ko kinuha yung pangalan mo," sabi ni mommy.

"Aphrodite, finally nakita na rin kita," nakangiting sabi ni Tita Aphrodite. May something sa ngiti niya, she looks..... overjoyed? Teary eyed din siya. Hanggang sa nagulat na lang ako at niyakap niya ko, ng mahigpit, sobrang higpit.

Alam kong normal lang na ibalik ang yakap ng taong yumakap sa'yo, pero may iba sa pagbalik ko sa yakap niya. Ewan ko pero... parang na-miss ko siya? Hindi ko alam kung bakit, ni hindi ko pa nga siya nakikita eh. Siguro kasi hiniram ko 'tong katawang to nung nag-travel ako sa 2012?

"S-sige naghahanda muna ako ng snacks," biglang sabi ni mommy at humiwalay na kami sa yakap ni Tita Aphrodite.

"Haha, sorry, I'm getting too emotional," tita sabay punas ng luha. "Grabe, you look exactly like me."

"Oo nga po eh, grabe maglihi si mommy," I answered shaking my head in disbelief.

Natahimik naman siya.

Uhh, did I said something wrong?

Napatingin ako kay daddy, nakayuko lang siya. Ano bang meron? Am I missing something?

***

Kwentuhan lang. Sa America pala siya tumira para asikasuhin yung business niya na naka-base dun. Business business lagi na lang business -_____-

Wala pa siyang asawa, meron siyang mahal pero may asawa na daw. Wala na siyang magbalak mag-asawa kungbdi 'yun ang mapapangasawa niya. No one bothered to ask who that lucky guy is, I wonder if that's Zeus, though. Remember, patay si tita dun nung 2012 :P

Despite sa mga kwento ni tita, I still feel something weird about the atmosphere. Ako lang tanong ng tanong, na parang matagal na kaming close ni tita eh ngayon lang naman kami nagkita. Tapos si mommy naman, ang pagkakatanda ko close na close sila dapat ni tita eh, pero ngayon parang may weird talaga. Nakangiti siya, nakikitawa, but there's something in her eyes that's contradicting her.

Si daddy naman, tahimik lang na kumakain ng snacks na hinanda ni mommy.

"So, birthday mo na tomorrow right?" ay oo nga pala, di ko talaga feel -___-

"Yhup, you should be there tita," I said smiling

"Of course! That's actually the reason why I came there, to attend your 17th birthday."

Deja Vu?! [MGDMB Book 2] --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now