Chapter 14: AchiDite is Real!

Aphrodite's POV

Naglalakad ako papasok sa school. Bakit ganun, may nararamdaman akong kakaiba. Bukod sa parang ang sakit ng puson ko, parang may di magandang mangyayari.

"Ihhh~ grabee! Nakita niyo ba yung nasa bulletin?"

"OO! Finally! Nagka-boyfriend na rin siya!" may biglang sumigaw sa tpaat ng gate.

Psh, kelangan ipagsigawan? =________=

"Waahh! Bagay talaga sila!"

Isa pa 'to =___= Kelangan i-broadcast?

"Ui ayan na siya," lumingon sa direksyon ko ang lahat ng tao. Lumingon ako sa likod ko at walang ibang tao dun bukod sa'kin.

*vrooooooooom*

Lumingon ulit ako sa harap nang makarinig ng makina ng motor na sa tingin ko ay kay Achilles. Pa'no ko nalaman? Eh sa alam ko eh -__-

"OH MY GOSH! HE'S HERE! KYAAAAH! >////////<"

Grabe naman 'to, OA much =___=

*vroooooooooom*

Lumagpas ang motor sa school, mabilis na nag u-turn at huminto sa tabi ko. Tinanggal ni Achilles ang helmet niya at parang naging background music ang tili ng mga babae at baklang schoolmate ko =___=

"Hop on," he said at minotion pa ang ulo niya na pinapasakay ako sa motor.

"Uhh... medyo ilang steps na lang at nasa school na 'ko tapos ihahati mo pa 'ko?"

"Psh, sumakay ka na lang kasi," pagamamaktol niya.

Ewan ko kung anong espirito ang sumanib sa'kin at sumakay ako dun.

"Kyaaaaaaahh! Nakakakilig sila! >////////<"

"Ehmeged! Ito ang nag-iisang PDA na nagustuhan ko!"

Teka sino naman pinaguusapan nilang nagp-pda? Basta ang alam ko di kami yun kasi di naman PDA ang pagsakay sa motor.

Deja Vu?! [MGDMB Book 2] --- COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!