Naaalala niyo pa ba ang book 1? Dito magkakaalaman xD

======

Chapter 30: History repeats itself

"Sigurado ka bang di ka hahanapin dun?" tanong na naman sa'kin ni Polly.

"For the nth time, alam ng parents ko na umaalis ako pag nabo-bored na ko. They won't look for me," sabi ko

"Kasi akala nila nasa garden ka lang. Pa'no pag pumunta sila dun tapos wala ka na?"

Lumabas kasi kami ni Polly. Wala lang gusto ko lang gumala, wala na ganong tao sa labas pag gantong oras eh.

"Babalik naman tayo saglit lang tayo dito," napahinto ako nang may nakitang nagbebenta ng taho. "Taho!" sigaw ko sabay takbo papunta dito.

"Sa gabi?" narinig ko pang tanong ni Polly pero di ko siya pinansin.

"Dalawa po--"

"Teka," pagpigil sa'kin ni Polly. "Di ba parang nangyare na 'to?"

Napahinto ako. Oo nga no, parang nangyari na to. Taho sa gabi?

Tumingin ako sa nagtitinda at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang 'to, lalo na ang nakakatakot niyang ngiti. Tumanda na ito, halata sa puti sa buhok, tapos medyo kulubot na rin ang mukha.

Ito yung.... yung nagbebenta ng taho sa hapon nung 2012! So ngayon sa gabi na siya nagbebenta kasi 2032 na? O____O

"Bibili ba kayo ng dalawa?" tanong niya

Napaatras ako ng hakbang sabay hawak kay Polly

"T-tara na--"

"Uh... Aphrodite..." napatingin ako sa kanya, tapos nakatingin siya sa grupo ng mga lalaking nakapalibot na sa'min.

"Wag kang mag-alala," tinanggal ni Polly ang tux niya kaya panloob na lang na long sleeves polo ang suot niya. "Po-protektahan kita."

Okay, he looks cool everytime he says it.

"I'm fine Polly, just step aside and let me--"

Di niya ko pinatapos at sumugod, pero tinulak lang siya at lumapit sa'kin 'yung mga lalaki.

But di natinag si Polly at sinakal mula sa likod ang isang lalaki. Nanlaki ang mata ko nang paluin sa ulo ng isang may hawak na baseball bat si Polly.

"Polly!" tumakbo ako at tinulak yung pumalo.

"Sht, hui Polly," inalog-alog ko ang hilong si Polly and I gasped when I saw blood flow from his head.

I felt something ignite inside of me as I glare at the one holding a baseball bat.

Tumayo ako at agad siyang sinipa ng patalikod. Buti na lang maikli ang dress ko at naka-cycling shorts ako.

Natumba yung lalaki pero di ako dun natapos, pinagsisipa ko siya hanggang sa may naramdaman akong humawak sa braso ko at pinipigilan ako. May tumakip ng panyo sa bibig ko then I held my breath para di 'yun maamoy.

Inuntog ko gamit ng likod ng ulo ko yung kung sino mang may hawak sa'kin at napabitaw siya sa'kin.

Tumalikod ako at sinuntok siya sa mukha tapos sinipa ang nasa kanan ko na papalapit na. May biglang humawak sa dalawang braso ko tapos pinulupot yun patalikod. Sinipa ako sa tuhod kaya napaluhod ako.

Tinakpan na naman nila ang ilong ko pero di ko na napigilan at naamoy ko na ang panyo. Agad na nanlabo ang paningin ko at inantok ako. Naramdaman ko na lang na may bumubuhat sa'kin at hindi man lang ako makapalag.

Deja Vu?! [MGDMB Book 2] --- COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!