Chapter 39: Goodbye

Aphrodite’s POV

Apat na linggo na ang nakakalipas simula ng magpa-therapy si Daddy, and I already wish hindi na lang niya yun ginawa. It only made him worse, made him look worse, made him feel worse.

Sabi ng doctor gan’on daw talaga ang side effects kasi combination chemotherapy yung ginagawa sa kanya. Mas may pag-asa daw kasi na gumaling siya pag ganun.

Hinihingal si Daddy matapos magsuka. Tinulungan namin siyang makahiga ng maayos tapos nakatulog agad siya. Minabuti na naming dito na lang muna si Daddy sa ospital para mas mabantayan namin. Comfortable naman eh, well, yun ang sa tingin ko.

Naramdaman kong may tumatawag sa’kin. Binuksan ko ang phone ko at si Polly pala. Hindi siya naka-hologram ngayon, screen call lang. Tinanggap ko naman, merong lumutang na screen mula sa phone ko.

“Kumusta?” nakangiti niyang tanong. Nakita ko sa background na nasa field siya.

Nginitian ko siya. “Mmm... Ok lang naman.”

Nawala yung ngiti niya. “Seryoso.”

I gave him a tired sigh. “Hindi ko alam kung sino sa ‘min ni Daddy ‘yung tunay na nahihirapan. Nahihirapan na rin kasi akong makita siyang ga’nun eh, na mahina, na unti-unting.. Namamatay.”

“Tsk, kaya niya ‘yan. Magtiwala ka lang. Pray.”

I smiled. ‘Pag si Polly ang nagsabi, naniniwala talaga ako.

“Eh ikaw? Kumusta ka na?” tanong ko.

“Eto, nahihirapang makitang nahihirapan ka,” sabi niya.

“Sorry for being too transparent.”

Umiling siya. “Thank you for being transparent.”

I chuckled. “Nahihirapan ka pero nagt-thank you ka?”

He smiled. “As long as you’re honest with me, handa akong maramdaman ang lahat.”

I smiled. “I love you.”

Namula siya at napayuko. Tuwing naga-I love you ako laging bumabalik yung torpe side niya. Parang naglalaho bigla yung pagiging showy niya. Napailing ako na medyo natatawa-tawa. Haha, ang cute talaga niya.

Nahalata niya yun tapos napatawa na rin bago ako sagutin. “I love you more.”

Now it’s my turn to blush.

“Haha. Ang cute mo pag nagb-blush. I love you, I love you, I love you!” pang-aasar pa niya.

“Oo na, I love you more, I love you more, I love you more!”

Nagtawa na lang kami sa ka-coryhan namin.

“Ikaw rin ah, gusto ko honest ka rin sa’kin,” sabi ko pagkatapos tumawa.

Lumiit yung malaki niyang ngiti. “Of course.”

Nagkuwentuhan pa kami, kung anong nangyayari sa school and the likes. Minsan na lang kasi ako pumapasok, at least pumapasok pa rin.

Si Achilles pumapasok na pero gaya ko minsanan lang din, mukhang no choice daw kasi bumalik na ang parents niya na galing sa ibang bansa sabi ni Polly. Pero kahit pumapasok, madalas naman daw eh late o kaya cutting.

Actually, sa mga araw na pumapasok ako hindi ko siya nakikita. Iniiwasan talaga ako.

Pati nga nung mga araw na bumibisita sina Tita Hera at Tito Zeus hindi siya sumasama eh. Si Bree sumasama, hindi pa kami gaya ng dati pero kahit papano nagngingitian na kami. Nakaka-miss siya. Buti na nga lang hindi nagalit sa’kin sina Tita, naiintindihan naman daw kasi nila. Nag-mature na talaga ang dalawa kahit papano.

Deja Vu?! [MGDMB Book 2] --- COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!