Chapter 15: Rivals

"Sht!/Fck!" narinig kong may napasigaw sa likod. Lilingon pa lang sana ako pero nagulat ako nang may bigalng nag buhat sa'kin na parang pang-prinsesa, si Achilles.

"H-HOY! A-anong ginagawa mo?!" nagpumiglas ako.

"Aish, wag kang magulo!" bigla niyang nilapit yung mukha niya at bumulong sa'kin. "May tagos ka."

Napatigil ako at buti na lang buhat ako ni Achilles dahil feeling ko nanlambot ang tuhod ko.

Achilles chuckled. "Stupid."

Naningkit ang mata ko at gusto ko siyang batukan pero bukod sa buhat niya 'ko, may utang na loob ako sa kanya ngayon.

"Haha, di makalaban, stupid Aphrodite," sabi niya na pigil na pigil ang tawa.

"Aish, dalhin mo na nga lang ako sa clinic!"

"Oo na prinsesa, pffft!" tama nang pagpipigil sa tawa baka mautot =___=

Lumapit sa'kin si Arthemyst dala yung gamit ko.

"Haha, hirap maging irreg! XD" Arthemyst

"Sige tawa pa =___="

Pinicturan na naman kami nung kamag-anak ni Jose Rizal.

"Anong nangyare? Bakit bigla mo siyang binuhat?"

"Mabilis na tumakbo si Achilles kaya di niya nakita," bulong ni Arthemyst sa'kin

"Uhh... may sakit siya! Sige bye," tapos tumakbo bigla si Achilles.

Binigyan ako ni Arthemyst ng 'ako-na-bahala-dito' look sabay patintero sa mga tao.

"T-teka..." asan si Polly? Alam ko, siya yung isang sumigaw kanina.

***

"O, anong nangyari?" gulat na tanong ng school nurse namin habang nilalapag ako ni Achilles sa higaan.

"K-kasi Ate Kyla...." close kami niyan kaya Ate Kyla ang tawag ko, bata pa lang rin naman kasi siya, "m-may tagos ako."

Sandaling natahimik si Ate Kyla. "Jusme, yun lang pala! Itsura naman kasi nitong si Achilles parang may malubha kang sakit!"

Deja Vu?! [MGDMB Book 2] --- COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!