Chapter 49: Face Off

Start from the beginning
                                    

“Ano kasi.. Yayayain sana kita” Huh? Is he.. ASKING FOR A DATE?

“Huh?” Speechless ako eh. Lord, ano gagawin ko? Mukhang nagyayaya ng date ang taong ‘to.

“Yayayain sana kita..” Napalunok ako ng sarili kong laway. Tatanggihan ko ba or tatanggapin?

“Yayayain sana kitang sumama sakin. Nagyaya yung kuya mo na dun na daw ako magdinner sa bahay nila ng asawa niya. Baka gusto mong sumama” NGEK!!! Yun pala! Akala ko pa naman…

Aish! No no no! Hindi ako disappointed! Hindi ako nag expect na yayayain niya akong magdate! Ano ba kasi itong mga naiisip ko?

“HAHAHAHA! Akala mo nagyayaya akong makipagdate no?” Teka, nabasa niya kaya yung nasa isip ko?

“H-hindi ah!” Tumalikod na ulit ako at papasok na sana ako sa kotse nang hilahin niya ang mga braso ko.

“Pero kung gusto mo,why not? Pwede mo akong madate. You know, I’m sexy, free and single tulad mo kaya match tayo”  Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“ANG YABANG MO!!! KAYA NAIINIS AKO SA’YO EH! HINDI MO DESERVE ANG FIRST KISS KO! MANYAK!” Pinagbubugbog ko siya pero ang lakas niya.

“Eh di lumabas din yung katotohanan na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin makalimutan yung kiss na ‘yon” At tumawa na naman siya. Lord forgive me! Baka kasi mapatay ko ang taong ito.

“BWISIT KA TALAGA!”

“Siguro memorable yun sa’yo noh? Gusto mo gawin ulit natin?” OH MY GOD! NAPUPUNO NA TALAGA AKO SA TAONG ITO!!!

“Che! Ang bastos bastos mo talaga. Umuwi ka na at huwag na huwag mong kakalimutang magpa check up sa mental! May sayad ka na kasi sa ulo!”

“Huy, joke lang. But I still can’t believe na hindi mo pa rin makalimutan yun. Sabagay, FIRST KISS EH” He said those word while emphasizing those last words.

“Bahala ka sa buhay mo” Papasok na sana talaga ako sa kotse ko nang bigla kong marinig ang mga sinabi niya.

”Ready naman akong panagutan yung nangyari noon. Kung papayag ka”

Ano daw?! Huh?!

“ANONG SINABI MO?!”

“WALA!!! Hindi ka na ba sasama sakin sa dinner kila Kuya mo?” Tanong niya.

“NO THANKS!” At pumasok na ako sa kotse ko at dali-daling nagdrive. What was that? May narinig ako eh pero baka pure imagination ko lang.

May narinig ako eh! Sabi niya papanagutan niya daw! Jusko, hindi naman virginity ko ang kinuha niya, FIRST KISS. OA much. Pero kailangan ko ring maging OA kasi first kiss ang kinuha niya. Napakaimportante pa naman nun sakin.

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now