Chapter 49: Face Off

Magsimula sa umpisa
                                    

“Pervert! Alis nga diyan!” Iniwan ko na siya at pumunta na dun sa counter para magbayad. Nakakainis ang lalaking ‘yon! Anong big deal pag bumibili ako ng underwear? Wala naman diba? Ni minsan ba sa buhay niya hindi siya bumili ng sarili niyang brief?

Akala ko ay umalis na siya yun pala ay sinundan pa ako. Hindi ko na lang siya pinansin.

“Bakit ka nga pala mag-isa?” Tanong niya.

Hindi ko siya sinagot.

“Alam mo bang hindi magandang tingnan na mag-isa lang na gumagala ang isang babae?”  And again, hindi ko siya sinagot.

“Sana man lang niyaya mo ako para naman may kasama ka ngayon” At dahil sa nairita na ako sa mga pinagsasasabi niya ay hinarap ko na ito.

“Ang ingay mo!” Kinuha ko na yung mga pinamili ko at dali-daling naglakad palayo sa kanya. Bwiset! Isang malaking bwiset ang lalaking ‘yon.

“Huy! Kelly, hintayin mo naman ako” At dahil sa sadyang mahahaba ang kanyang legs ay naabutan niya nga ako. Tumigil ako at hinarap ko siya.

“Bakit naman kita hihintayin? Kasama ba kita?” Sige lang Kelly, taray tarayan mo pa siya.

“Eto naman. Plano ko lang naman sanang samahan ka kasi mag-isa ka lang oh. Kawawa ka naman” At nginitian niya ako. Yung ngiting nakakatunaw pero hindi ako magpapaapekto sa kanya. Duh! Gwapo nga, ang yabang naman!

“At bakit mo naman ako sasamahan? Wala ka bang ginagawa at binubuhos mo ang oras mo para bwisitin ako?!” Kainis talaga!

“Uyy, hindi ah. Ikaw talaga! Wala naman akong ginawa ngayong maghapon kundi ang gumala. Pero mamayang gabi pupunta ako---“ Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

“Kaya naman pala binibwisit mo ako kasi wala kang magawa sa buhay mo. Bumalik ka na lang kaya dun sa pinanggalingan mo? Bwisit ka talaga!” Sinuntok ko siya sa arm niya. Medyo malakas nga eh kasi feeling ko nasaktan siya pero hindi niya lang pinahalata.

“Teka nga, bakit ba parang ang init ng ulo mo sa akin? Wala naman akong ginagawa ah. Kakauwi ko lang ng Pinas tapos wala naman akong ginagawang masama sa’yo pero bwisit na bwisit sa akin. Tell me…” Lumapit siya sa akin pero napaurong naman ako. Hindi na rin ako makagalaw kasi nasa loob kami ng mall eh. “Naiinis ka pa rin ba sa akin kasi ako yung first kiss mo?” Bulong niya sakin.

Walang hiyang taong ‘to! Kaya ang ginawa ko ay tinulak ko siya.                 Anong karapatan niyang ipaalala sakin yun?!

“Nakakainis ka talaga! Shupi!” At naglakad ako ng mabilis pero sinundan niya pa rin ako.

Naririnig ko rin ang mga tawa niya. Parang gusto nang sumabog nitong nararamdaman ko. Halo-halong pagkainis at hiya ang nararamdaman ko ngayon. Kaya nga naiinis ako sa taong yun kasi napaka arogante niya.

“Stop following me!” Nakarating na ako sa parking area pero sinusundan niya pa rin ako.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon