Bonus Chapter

3.9K 71 15
                                    




SHIMMARA ACADEMY
Mabssywrites | M
©2017





Six months later....






Pumasok ako sa isang book store nang mag-isa. Naaalala ko ang una kong pagpasok dito sa mismong book store na ito 1 year ago. That is when i first met him.

I heave a deep sigh .

Past is past. Leave it to the history. Hindi ko na dapat inaalala ang mga nangyari sa nakaraan. Masasaktan lang ako. Mahihirapan.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at naghahanap nang book. Habang sinusuyod ko ang mga bookshelves may isang libro akong nakita na agad kong nagustuhan. Napangiti ako nang mabasa ko ang title nito.

WHEN SNOW FALL

By Ysa Belley

Napangiti ako at pinulot na iyong book. Binayaran ko na iyong book at binasa muna ang description. Hmm, mukhang magugustuhan ko to. Lumabas narin ako sa book store after non at naglakad na pauwi. I started entering school narin kasi. Hinahayaan narin ako ni Dad na lumabas mag-isa. Maybe he realize na kaya ko na naman.

Sumakay na ako nang kotse para umuwi. Habang nasa byahe biglaan nalang bumuhos ang napakalakas na ulan. Hay nako. Mag gagabi pa naman. Nagkatraffic pa. Hanggang sa my isang tulay naisinara at naghanap pa nang ibang daanan ang driver nang taxi. Meron daw kasing ibang daanan na gawa . Medyo malayo daw yun pero hindi traffic. Pumayag narin ako dahil kailangan ko na talagang makauwi. Habang nasa byahe nakadungaw lang ako sa bintana at tinitgnan ang mya kadiliman na ulap dahil sa ulan narin.

Tahimik lang ako hanggang sa may isang lugar na nakuha ang mga mata ko. Sa hindi ko malaman na dahilan nagpahinto ako sa driver sa harap nang isang napaka taas na Gate na may bronze na vines . Isang napakapamilyar na lugar para sa akin. Naging visible narin pala sa mga tao ang lugar na to.

" eh Ma'am nakakatakot po dyan. Ang sabi kasi marami daw namatay dyan dahil sumabog. Marami daw nagmumulto. "

"T-talaga po?"

" oo. At walang sinoman ang nakakaaalam sa nangyari sa kanila dyan. "

"Ganon po ba manong? Salamat po ah?"

Ibinukas ko na ang payong ko pagkaalis nang taxi. Buti nalang may dala ako. Lumapit ako sa gate at napatingala. Matagal-tagal narin. Pero parang kahapon lang nangyari sa akin ang lahat.

Huminga ako nang malalim at aalis na sana nang mapansin kong nakabukas ang gate. Bigla akong kinulbit nang kuryosidad kaya agad ko itong hinila at binuksan eksakto lang na kumasya ako para makapasok. Pagkapasok na pagkapasok ko nagsitayuan agad ang balahibo sa katawan ko.

This place really brings me goosebump. Sa lugar nato , na ranasan ko lahat. Ang malungkot, masaktan ,mawalan at magmahal. Though this place is really like a visible hell for all of the Shimmarianians. Shimmara Academy is different. It was created because of heartache , because of so much love of a mother to her daughter.

Napayuko ako at napatingin sa paanan ko. Umaagos ang tubig. Dito mismo sa kinatatayuan ko ako nasaksak. Where i almost died. That means this place should be forgoten. Tumalikod na ako at lalabas sana sa gate nang makarinig ako nang boses nang malakas na sigaw mula sa loob nang sunog at sira-sirang building. Sigaw nang isang babae.

Shimmara Academy | PREQUEL (Under Editing)Where stories live. Discover now