CHAPTER FORTY THREE

2.6K 86 10
                                    






VE's POV




Diretso lamang ang tingin ko sa sahig habang naglalakad kaming apat. Nasa unahan namin si Deyland habang nasa tapat ko si Ab at nasa kabila si Red.

*BOGSH*

isang malakas na pagsabog at parang yumanig ang lupa nang dahil doon. Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggaligan nang sabog. no way!

" Fuck. "

Rinig kong mura ni Ab habang nakatingin sa 8th floor nang school building kung san nanggaling ang pagsabog. Who would do that? Nababaliw na siguro sya. Sisirain nya ba ang buong building?

" Babagsak ang buong building kung madadagdagan pa nang pagsabog yan..." ani Red . Tama. Agad ko namng naramdaman ang mahigpit na paghawak ni Ab sa kamay ko nang may grupo nang mga lalaking naka maskara ang nagsilabasan sa loob nang building. May dumaan sa bintana at ang iba sa pintoan talaga.

" Tara na. Kailangan nating dalhin sa ligtas na lugar si Ve."

Sigaw ni Deyland kaya agad na kaming nagsitakbohan .

"AYON !"

Nakarinig kami nang sigaw kaya napalingon kami. Nahuli nila kami. Mas binilisan pa namin ang takbo namin kahit na pinapaputokan nila kami. Napahawak ako nang mahigpit sa braso ni Ab sabay hila nya sa akin para magtago sa likod nang isang pader na biak-biak na. Isinobsob ko ang mukha ko sa braso nya. Hindi ko na kaya! Mamatay na yata kami dito. Kanina pa kami nakaasalubong nang kalaban at napapatay naman nila pero hindi parin maubos-ubos. Napakarami parin talaga nila.

" Ssshh "

Napa-angat ako kay Ab na nakatingin sa akin. Pinunasan ko ang luha ko.

" N-natatakot ako. "

" Don't be. I'll assure you'll be safe with me Ve. I promise that..."

Napayakap ako sakanya.

" Hindi. Natatakot ako para sayo . H-hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may mangyaring masama sayo.... Alex..."

Naramdaman kong natigilan sya at natahimik. Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa nang coat nya. Nakita ko ito kanina na tinitignan nya. Iaang larawan nang batang babae at lalake na nasa 11 years old na magkamukha ang andito. Kahit ma hindi nya aminin... alam kong sya to. Alex cruz... sa wakas at nahanap ko na sya.

Bigla nyang kinalas ang yakap ko at hinawakan ang kamay ko ignoring what i said.

" Let's go find some place for you to hide ..."

Napatingin ako sa likod namin sa may kabilang pader at nakita ko don siRed kasama si Deyland. I know he heard us. Napangiti ako sa kanya pero sya nanatili lamang na seryoso.

Nawala na ang mga lalaki at papasok na sana kami sa building namin noon kung san kami nakatira nang makasalubong namin si Greg. Nag-iisa lamang sya pero agad na naalerto si Deyland at Red. Habang si Ab e kalmado lang.

" Anong ginagawa mo dyan sa loob nang building unit namin?" Tanong ni Deyland.

Hindi sya agad na umimik pero nakaayos lamang sya nang tayo at dumiretso ang tingin kay Ab. Napatingin ako kay Ab at ganun din sya kay Greg. Nagsimula syang maglakad palapit sa amin pero hinaranga sya ni Red.

" Hanggang dyan ka lang Greg."sabay totok nang kutsilyo.

Ngumisi si Greg sakanya at hindi man lang natatakot kahit wala naman akong nakikitang dala-dala nyang sandata.

" I'm not here to fight with you . "Sabi nya nang mahinahon . Pero agad na ibinaling ni Greg and tingin nya kay Ab tapos ay sa akin. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ang inis at asar sa mukha ni Greg. Napatingin sya sa mga kamay namin tapos ay nagsmirk sya. Bigla akong kinabahan. Anong meron? " You. " sabay turo kay Ab.

Shimmara Academy | PREQUEL (Under Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora