CHAPTER THIRTY FIVE

2.8K 87 5
                                    







NHEAN's POV





Isang putok nang baril ang umalingaw-ngaw sa buong lugar dahilan upang magkagulo ang lahat nang tao. Naramdaman ko nalang ang pag hila ni Johan sa akin palabas nang Hall.Napalingon ulit ako. Nasa loob pa sila Ab.

"Johan, nasa loob pa sila Ab. "

Sabi ko. Napatigil sya at tinignan ako.

"Huwag kang mag-alala. Kaya na nya ang sarili nya. Ang importante ay makabalik ka na sa Top Floor bago kapa mapahamak. Tara na-*Bang*..."

"Johan!"

Sabay kami ni Johan na bumagsak sa lupa since nakahawak sya sa kamay ko and the moment na natamaan sya nang baril sa balikat agad syang natumba dala-dala ako.

Napatingin ako sa balikat nya at dumudugo na iyon.

"Johan! Johan? O-okey ka lang? Gumising ka."

Nagpalinga-linga ako. Napakadilim nang paligid. Sino ang gumawa non?

"U-umalis k-ka na Miss N-nhean.. Alis na bago k-ka pa maabotan ng mga officer..."

Sabi nya habang namimilipitsa sakit. Seeing him like this prevents me stay here beside him. I shook my head and i held his hands trying to make him strong.

"H-hindi. Hindi kita iiwan. "

Hindi ko kayang iwan ang isang taong naging mabuti sa akin. Kasalanan ko to. I forced him para makababa dito.

"O-okey lang ako. U-umalis ka na. T-tutulongan din ako ni K-klein pag nagkita kami. S-sige na. D-dumaan ka sa likod nang building para makaakyat ka nang walang nakakita sa Office ni Chairman Ax. Sige na..."

"Pero ikaw?"

"Miss N-nhean, sige na.. wala nang oras.."

Napatitig nalang ako sakanya. Tatayo na sana ako nang makita ko ang isang pigura nang babae na papalapit sa amin. I stared at her figure and i know she really is going towards us. Madilim pero nakikita ko ang figure nya.Agad kong tinignan ulit si Johan.

"Johan, im sorry. Hihingi ako nang tulong wag kang mag-alala..."

Ngumiti naman sya at pumikit.Labag man sa kalooban ko ang iwan sya pero habang nakikita ko ang babaeng iyon bigla akong kinabahan. I know something bad might happen tonight. Ahad akong nagtatakbo at itinaas ang laylayan nang damit na pangwhite lady. Kailangan kong iwasan pati ang mga school officers.

Nagtatakbo lang ako papaikot sa likod nang building. After a few minutes nakaramdam ako nang pagod dahil na rin sa sout ko. Agad kong hinubad ang sout ko kaya nagaanan ako. Tumakbo na ako nang patuloy kaso nakakita ako nang dalawang lalaki na sa tingin ko ay campus officers. Agad akong nagtago sa isang puno.

Ive waited for a few seconds bago sila umalis. Sumilip ako to check if there's someone else and wala na. Lumabas na ako sa puno at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang makarinig ako nang pagkasa nang baril.

"Stop right there!"

Agad na nanlaki ang mata ko habang napatigil. Agad na nagsikarerahan ang puso ko sa lakas at bilis nang kabog nito. Anong nang gagawin ko?

"Don't move or else, you'll die. "

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nalagay na ako sa panganib for such a lots of times pero ngayon, feeling ko ending ko na. Napakalapit sa akin nang naka trigger na baril nya. Puputok na yun isang kalabit nya lang.

She's behind me.

"A-anong kailangan mo?"

Narinig ko ang pag tawa nya nang bahgya na tila natawa sa sinabi ko. Ang boses nya.

Shimmara Academy | PREQUEL (Under Editing)Where stories live. Discover now