CHAPTER THIRTY

3.1K 82 11
                                    

Trap






NHEAN's POV




Agad akong napabalik sa pagiisip nang bigla akong hablutin ni Shaena.

"Shaena!"

Rinig kong tawag ni Taylor kay Shaena at niyakap sya.

"My goodness Tey! Mabuti at nakaligtas kayo sa lalaki na yung nanghabol sa atin kagabi..."sabi nya at tinignan ako.

"O-oo. Mabuti rin at nakatakas ka. "

Sambit ko.

"Yeah. Sinubukan ko kayong balikan don sa kung sang kwarto yun ko kayo naiwan pero bangkay naman ng di ko kilala ang naabotan ko. "

Paliwanag nya.
Hinawakan ko rin sa kamay si Shaena at tinignan sya. Pilit kong iniwawala sa isipan ko yung isiping iniiwasan ako nang mga taong tinuturing kong kaibigan.

Una si Ab, hindi ko maintindihan pero nasasaktan ako dahil iniiwasan nya ako. At ngayon naman si Greg, greg is my friend. His been my life saver. Mula pa noon. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang nagbago. Alam nyo yung pakiramdam na kahapon lang okey pa kayo tapos ngayon yung closeness nyo in just a blink tapos di mo pa alam ang rason e bigla nalang naglago. From close to stranger?

And i can't understand and i don't know what should i feel right now.

"Shaena!"

Sabay naman kaming napaligon sa lumapit aa amin. Agad na dumapo ang tingin ko kay Red na nasa tabi ni Ve .

Pero agad naman akong umiwas.

"Anong kailangan nyo?"

Masungit na tanong ni Shaena.

"Come on, Shaena. Tigilan mo na to okay? Nakikita mo ba? Hindi na maganda ang naidudulot nito sa ating magkakaibigan. "sabi ni Deyland at tinignan si Taylor.
"Tey, let's talk. Ayusin natin to."

Napatingin naman ako kay Taylor pero umiwas lang sya nang tingin.

"Maybe now is not the right time Deyland. Tsaka na pagnatotonan mo na akong bigyan nang halaga kesa kay Ve. "

Sabi nya.

"Taylor, dahil ba sa akin ang lahat nang to?"

Napatingin ako kay Ve na naluluha na. Hindi ko maiwasang hindi sya titigan. Nakokonsensya na talaga ako.

"Oo dahil sayo. Dahil dyan sa kalandian mo. "

Sabi pa ni Shaena.Nakita kong nagulat si Ve .

"Shaena stop it. "

Madiin na sabi ni Red .

"Yeah yeah yeah! I'll stop. Titigil ako at lalayo ako kasama si Nhean at Taylor sa inyo. Ayaw kong makisama sa mga peke. Alam nyo? Nakakasuka yun. Mga malalandi. Attention seeker. "

Ani Shaena at mas diniinan ang tingin kay Ve. Parang may kumurot sa dibdib ko nang makita kong napaluha na si Ve. Na mukhang kanina nya pa yun pinipigilan.

"Ano ba talagang gusto mo Shaena? Sabihin mo lang. "

"Anong gusto ko? Tigilan mo na yang pagiging OA mo . Kesyo ikaw ang Target nang mga gangsters na yun gusto mo naman ikaw yung priority. Kaya sana mawala ka-"

"Shaena stop it. Tigila n mo na ito. Hindi ko maintindihan ko bakit ganito ka makareact. Hindi mo ba nakikita? Dahil sayo nasira kami ng girlfriend ko. Namatay si Willa at ngayon nahuli si Terrence at itatapon sya sa dungeon. Di mo ba nakikita? Napaka complikado nang sitwasyon natin ngayon so please lang, hindi ito ang tamang panahon para maghiwa-hiwalay tayo."

Shimmara Academy | PREQUEL (Under Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora