Chapter Four : Familiar Faces

6.5K 224 41
                                    

Note: The previous chapters are edited. But please be aware that it may not be totally edited na wala na talagang flaws. Hehe. Forgive me! Baka may nakaligtaan ako. I am not good at editing but I am doing my best. And I want to make sure that it won't be hard for you to read my jeje and error narrations. I want this book to atleast look better after four years since it was published unedited.

____________________________

NHEAN'S POV

"Huwag na huwag kang lalabas ng kwarto, Ve."

"Eh, Nhean, natatakot ako."

"Basta dito ka lang! Huwag kang magbubukas ng pinto ng kung sino-sino."

"Natatakot pa rin ako!"

"Huwag kang mag-alala. Mamayang alas-tres ng hapon nandito na sina Willa, Shaena at Terrence. "

"Bakit 'di na lang ako pumasok, ha?"

"Marami pa iyang pasa mo. Bukas na lang sabi ni Nurse Joy."

"Ugh. Okay fine! Basta mag-ingat din kayo. Hindi rin ligtas sa school na ito. " Her voice turns serious and I nod.

Alas dyis na ng umaga nang lumabas kami ni Red sa building. Kami kasing dalawa ang may parehong schedule. Si Willa,Terrence at Shaena ay seven in the morning. Si Deyland, Taylor at Ve ay nine. Kaya hindi kami magkakasabay-sabay sa pagpasok at sa pag-uwi.

Suwerte na nga ako at kasabay ko si Red. Atleast, I know I'll be safe with him. Siyempre ganoon 'yon. Panalo ka kung nakasama ka sa alam mong magaling.

Nandito na kami sa loob ng Academy at kinakabahan talaga ako. First time ko itong makihalubilo sa ibang tao. And take note, this is not an ordinary school. This is hell-like school.

Habang naglalakd sa hallway papunta sa elevator ay kaliwa't-kanan ang direksyon ng mga mata ko. I can feel their stares at us. Naririnig ko rin naman ang mga bulungan nila. Not clear. They sounded like a bee. It irritates me.

"Huwag kang lalayo!" Biglang sabi ni Red.

Kahit hindi niya sabihin gagawin ko. This is hell! I need to be with someone who I can rely on.

Nasa malapit na ako sa kaniya ng bigla na lang naramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay.

Napatingin ako sa kaniya. What is he doing? Required ba holding hands while walking?

Nagpadala nalang ako sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa loob ng elevator. Papunta kasi kami sa fifth floor. Kung saan ang classroom namin.

Pagdating namin doon ay tumambad sa amin ang isnag hallway na maraming estudyante.

"Huwag kang bibitaw." Muling sabi ni Red kaya agad ko syang sinunod. Mas hinigpit pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko at nakipagsiksikan kami sa gitna ng mga estudyante.

Habang naglalakad ay napansin kong may gulo pala. May pinagkakaabalahan silang tingnan o panoorin.

Mas sumiksik pa kami hanggang sa natanaw na namin ang dahilan ng pinagkakaguluhan nila.

Nakita ko ang isang lalaki nakangisi habang inaapakan ang kamay naman ng isang lalaking duguan ang bibig at nakahilata sa sahig. My eyes widen at naitakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko.

"Kilala mo ba ang binabangga mo, ha?"

Malademonyong sambit ng lalaking nakaapak sa isa pang lalaki. Napatitig ako sa sitwasyon ng lalaking iyon at halos mamamatay na siya.

Shimmara Academy | PREQUEL (Under Editing)Where stories live. Discover now