CHAPTER FOURTY SEVEN

3.5K 79 6
                                    







NHEAN's POV





"I can handle it !"

Hindi na ako nakaimik nang sabihin nya iyon. Napatitig ako kay Ax habang sinusubukan nyang silipin ang ibabaw . I trust him. Nagtitiwala akong magagawa nyang maligtas ang sarili pero hindi ko mapigilang hindi kabahan. I immediately held his arm to stop him.

"Please Ax! Masyadong delikado. Im sure i-inaabangan ka lang din nyan sa taas..."

After i said that he didnt speak. Napatitig sya sa akin nang ilang sandali pagkatpos ay napatingin sa itaas. Sana mapaisip sya. Sana maalala nyang nangako syang hindi nya ako iiwan. Napatingin ako sa bangkay ni Princess sa paanan ko. Umupo ako at hinawakan sya.

Nakamulat pa ang mata ni Princess. Even if she looks like a fearless woman , ang totoo nyan pilit nya lang iyong itinatago. Hinawakan ko ang mukha nya at ipinikit ang mga mata nya gamit ang mga palad ko.

' I promise ! They'll pay for doing this to you and to my friends. Princess... '

Alam kong may pagkamaldita sya pero aminin man natin o sa hindi , ang totoo nyan tahimik nya akong tinutulungan. Naalala kong binababalaan nya ako noon sa Library. Sinabi nya sa akin na Hologram projector lamang iyong pinapanakot sa akin which is gawa ni Troy. She attempted to kill me before, and she even hated me for she thought that im stealing greg from her but still- she helped me from those savages. Si Princess~ she look like a heartless assasin pero ang totoo tapat syang magmahal. I know she love Greg so much.

BANG. BANG.

Agad akong napatingala nang marinig ko ang dalawang putok na iyon. Niyakap naman ako ni Ax na parang pinoprotektahan ako.

"Anong nangyayari?"

Tanong ko. Hinila nya ako paatras.

"I dont know. Lets stay for awhile."

Nasa likod ko si Ax habang yakap yakap nya ako .Napakapit ako sa kamay nya. Nanatili lamang kami nang ganon nang ilang sandali nang bigla namang may isang taong sumilip sa butas.

" Chairman? Miss Nhean? Andyan ba kayo?"

Boses iyon ni Johan.Napahakbang kami papalpit sa butas at nakita kong napangiti si Johan nang makita kami.

"Johan. Whats happening up there?" Ax ask. Inilahad ni Johan ang kamay nya sa akin para makaakyat na ako. Kukunin ko na sana iyon nang may isang kamay ang kumuha sa kamay ko at pabigla ako hinila pataas sa butas.

I was surprise to see Greg pero lubos lubos ang sayang naramdaman ko.

" Mabuti nalang at nakarating na si Greg. Tinulungan nya ako. "sagot ni Johan kay Ax na ngayon ay umaakyat na. Nakita kong sinamaan nya nang tingin si Greg .

Alam kong magtatalo nanaman sila kaya sumingit na ako.

" Greg! Mabuti at nakaligtas ka."tugon ko sakanya.Ngumiti sya sa akin.

" Of course. I cant let them take me . Meron pa akong dapat protektahan Nhean..."

Huminga ako nang malalim.

" Si Princess. " i said. Napahinto sya at tinitigan ako. " Im sorry Greg. Wala na sya. "

Nakita kong medyo nagulat sya sa sinabi ko pero maya-maya ay napapikit sya at napa 'hinga nang malalim.

" Si Madame Alessandra ang bumaril sa kanya. " singit namn ni Johan. Napatingin ako sa nilingon ni Greg at nanlaki ang mata ko nang makita ang babaeng duguan na wala nang buhay.

Shimmara Academy | PREQUEL (Under Editing)Where stories live. Discover now