The JEALOUS GUY

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi mangyayari yan." Madiin na sabi ko.

"Alam ko naman yun dahil alam kong hindi mo kami pababayaan." Nakangiting sabi nya.

Napatingin na lang ako sa kanya at napaisip. Paano nga kaya kapag sumugod na naman ang mga kalaban at kulang ang mga gamit namin? Alam kong mahina kami ngayon dahil kulang-kulang kami sa mga armas at sugatan pa ang ilan sa mga kasamahan namin dahil sa pagsalakay ng mga kalaban kahapon.

"Maiwan na muna kita at titignan ko lang ang iba pa." Nakangiting sabi nya bago sya lumabas ng kwarto ni Adam.

Pagkalabas ni Nesa tinignan ko agad si Adam at hinawakan ko sya sa kamay. Sobrang dami talaga ng sugat nya sa katawan. Mas lalo akong nakaramdam ng galit sa mga gumawa sa kanya nito. Papatayin ko talaga si Sandro kapag nakita ko sya.

Hindi ko kayang makitang ganito si Adam kaya kailangan nyang gumaling. Isa si Adam sa mga naging malapit na kaibigan ko simula ng mapunta ako dito. Sa lahat ng mga tao dito sya lang ang tumanggap sa akin ng maayos kahit na kilala nya ang buong pagkatao ko. Siya unang nagbigay galang at respeto sa akin bukod sa hari.

Masasabi kong mas malalim ang pinagsamahan naming dalawa ni Adam kaysa kay Lory at Lucas na hanggang ngayon hindi ko pa din lubos na pinagkakatiwalaan kahit na mas madalas ko silang kasama. Iba sa kanilang lahat si Adam isa syang mabuti at maaasahang kaibigan kaya hindi sya kailangan mawala dahil kailangang kailangan namin sya.

"Sabi ko na nga ba nandito ka." Biglang sabi ni Kaye. Napatingin ako sa kanya habang naglalakad sya palapit sa akin.

"Pasensya ka na hindi na ako nakapagpaalam sa'yo." Sabi ko.

"Ayos lang." Simpleng sabi nya sabay upo sa tabi ko. "Kamusta na sya?" Dugtong na tanong nya.

"Hindi pa din sya gumigising." Sagot ko.

"Mukhang malaki talaga naging pinsala ng katawan nya." Sabi nya habang nakatingin kay Adam.

"Sana magising na sya." Sabi ko.

"Kapag ba nagising na sya hindi mo na sya hahawakan ng ganyan." Nagulat ako sa sinabi nya dahilan para alisin ko yung pagkakahawak ko sa kamay ni Adam.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko habang nakatingin ng masama sa kanya.

"Kung makahawak ka naman kasi sa kanya akala mo wala ng bukas." Sagot nya.

"Ha? "Anu namang masama sa paghawak ko?" Naguguluhang tanong ko.

"Ayaw ko ng may hinahawakan ka ng ganyan." Sagot nya.

"At bakit?" Tanong ko. Humarap sya sa akin bago nya ko sagutin.

"Kasi dapat ako lang. Ayaw ko ng may humahawak o may iba kang hahawakan na kamay dapat sa akin lang at saka isa pa wala ng ibang lalaki dapat ang lalapit sa'yo kasi---"

"Saglit lang! Ano bang sinasabi mo? Kailan ka pa nagkaroon ng karapatang sabihin sa akin kung anung dapat kong gawin at kung sinu lang ang dapat lumapit sa akin?" Naiinis na tanong ko. Ayaw ko kasi ng may nagdidikta ng mga dapat na ginagawa ko.

"Iya hindi pa ba malinaw sa'yo lahat? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na gusto kita kaya normal lang sa akin na magkaganito ako. Ayaw ko ng may iba pang malapit sa'yo lalo na kapag lalaki." Sagot nya.

"Kaye hindi ko alam kung anung pumapasok sa isip mo ngayon pero kaibigan ko si Adam at walang masama sa ginagawa ko." Sabi ko.

"Walang masama? Hindi mo nga dapat sya hinahawakan ng ganyan eh." Mahinang sabi nya pero narinig ko sya. Tumayo na sya at umiwas ng tingin sa akin.

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko. Napatingin sya sa akin.

"Paano kapag sinabi kong Oo anung gagawin mo? Ang aga-aga naman kasi sya agad unang naisip mo. Hindi mo man lang ako naisip bago ka pumunta dito. Hindi ka man lang nagsabi sa akin. Sana man lang dumaan ka sa kwarto ko para sabay na tayong nagpunta dito." Sagot nya at hindi ko alam kung bakit natawa na lang ako sa kanya. "Bakit ka tumatawa may nakakatawa ba?" Tanong nya.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon