Chapter 14: Taong Poste

Magsimula sa umpisa
                                    

"sorry your face. Dyan kana nga." ng tangka akong umalis ay hinawakan nya yung kamay ko.

"bitawan mo nga ako." at tila napalakas ata yung pagsabi ko kaya nakuha namin ang atensyon ng mga estudyanteng dumaan.

"Galit ka parin ba sa akin? It's been 5 years ago. Let's forget about it and let's be friend." seryoso sya. " Friends?" dugtong nya sabay abot ng kamay.

Friend? Seryoso talaga sya?

Ayoko naman din ng may kaaway o kagalit. Kaya wala narin akong nagawa kundi tanggapin ang sorry nya at inabot yung kamay ko para makipag-shake hands. "friends." ang sabi ko at nginitian sya.

"so how are you?" tanong nya habang naglalakad kami.

"Okey lang."

"i-ikaw?"

"I'm fine."

"san pala ang punta mo? Bakit ka nandito?"

"Dito na ako mag aaral."

"talaga? Bakit?"

"Yes!" at ngumiti sya.

"O sha, may klase pa ako maiwan na muna kita." paalam ko.

"Sige, see you again. Sana nextym samahan mo naman akong maglibot."

"sure." sagot ko bago sya iwanan.

Nang makuha ko na yung naiwang libro ko sa principal Office ay nagmadali na akong pumasok sa kLase dahil 5 minutes nalang late na ako. Nang makapasok ako ay umupo na ako sa may upuan ko at kinokopya yung nakasulat sa board.

"psst. Aubrey?" napalingon ako sa sumitsit sa akin at nakita ko na si Shaina iyon.

"Bakit?" mahina kong tanong.

"Bakit tulala ka dyan? Ano iniisip mo?" tanong ni Shaina. Napansin pala nya iyon. Ewan pero may naalala lang ako. Naiinis akong maisip ang nangyari kahapon.

"W-wala!" pagsisinungaling ko. Kaya hindi narin ako kinulet ni Shaina at nagpatuloy narin sya sa kanyang ginagawa.

"Aubrey, sabay kana sa amin." sabi ni Shaina ng palabas na sana ako ng klase para magbreak.

"May baon ako e."

"Ano ka ba. Okey lang yan. Sa canteen na tayo kumain." wala narin ako magawa kundi sumama sa kanila.

Papunta palang kami sa canteen ng matanaw ko si Levi sa hindi kalayuan at kasama nya si Allen. Nang makita nya ako ay bigla nya ako tinawag. "Aubrey?" nagulat sila Shaina, Angel, at Jaymee gayundin yung mga estudyanteng nandun kung bakit ako kilala ni Levi. Mabilis akong kumilos at tumakbo para iwasan sya. Tinawag ako nila Shaina pero hindi na ako nagpapigil. Pumasok ako sa isang bukas na room para magtago dahil ayoko makita si Levi o ni makausap.

Naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa nya sa akin kahapon. Kinuha nya ang first kiss ko. Hinalikan nya ako. Nahihiya ako sa nangyari kaya ayoko sya makausap. Nung mangyari iyon kahapon ay hindi na ako nagpapigil at iniwan sya. Naiinis ako sa ginawa nya at hindi ko na alam kung paano ko pa sya haharapin. Kaya kagabi pa at kanina sa klase ay hindi ako mapakali kakaisip sa kanya.

Pero ano naman kaya kailangan ng mokong na iyon? Akala ko ba sabi nya, tutor lang nya ako at hindi kami friend. Sigurado akong pag-iinitan na naman ako ng mga estudyante dito. Hindi ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko kina Shaina dahil sigurado akong kukulitin nila ako kung bakit ako kilala ni Levi.

Sa pag-iisip ko habang nakatago sa loob ng room na ito ay napansin ko na isa pala itong Storage Area. May mga nakikita akong mga props na ginagamit sa mga event dito. May mga costume at ilang mga banner akong nakikita. Sa pagmamasid ko ay nagulat nalang ako ng biglang sumara ang pinto.

"Shit!" nasabi ko sa sarili ko ng mapalingon sa may pinto at nang lapitan ko para buksan ay sarado na ito. Naka-Lock. Kahit anong pilit kong buksan ang pinto ay ayaw na itong magbukas. Haist! >.<

-Levi-

Pagkatapos ng klase namin ay nauna na kaming lumabas ni Allen. May kailangan padaw syang gagawin sa SSG Office at ako naman ay lumabas na para iwasan si Renalyn. Nakipaghiwalay na ako sa kanya kaninang umaga. Ayaw nyang tanggapin pero wala narin syang magagawa dahil ayako na.

Sinisi nya si Jamie sa nangyari sa amin pero ang totoo ay nasasakal na ako sa pagiging selosa nya. Hindi ko naman sya mahal at pinilit ko lang syang gustuhin. Pero oO, isa din si Jamie sa dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya. Hindi ko alam kung bakit at kung anong ibig sabihin ng nararamdaman ko dahil kahit ako man ay hindi ko pa kayang ipaliwanag sinasabi ng magulong damdaming ito.

Nang nasa corridor kami ni Allen ay nakita ko si Aubrey na may kasamang tatlong babae. Napangiti ako. Tinawag ko sya para ibalita ang nangyari. Kaso nagulat nalang ako ng bigla syang tumakbo ng tawagin ko sya. Gusto ko lang naman magpasalamat sa kanya dahil effective ang pagtuturo nya sa akin dahil sa kauna unahang pagkakataon ay muntik ko ng maperfect yung exam namin. Sayang lang at may isang mali. Muntik ko na sana matalo si Allen na nakakuha ng perfect score. Lahat ay nagulat maging ang guro ko sa nangyari at kahit ako man ay hindi makapaniwala. Kaya gusto kong magpasalamat kay Bloody.

Napansin ko na nagulat ang ilang mga estudyante ng tawagin ko si Aubrey at kahit si Allen man. Pero hindi ko na sila pinansin. Iniwan ko si Allen at pumunta sa white room at pagkapasok ko ay nakita ko si Pj na may kinakain.

*~

ABANGAN:

Next chapter is a Rated SPG. Haha. LoL. Sa nextChapter na po ang Bromance Chapter nina Levi at Pj. Haha. Pinu-push ko ang Bromance. Wahaha. NextChapter is a Comedy'Romance.Wahaha. Abangan :)))

Kuya Mart.

Pls. Leave your reaction for this Chapter :)))

The Lucky 6 and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon