#84-M

58 7 1
                                    

Dalawang araw din akong naconfine sa ospital, at ngayon nandito na ko sa dorm, nakakulong sa kwarto ko..

Minsan sumisilip sina soonyoung hyung at kwan para tanungin kung gutom na ako, pero kanina nagpaalam sila na magg-grocery lang daw at maiiiwan si chan para bantayan ako.

Dapat kasi di nalang ako nagising eh, dapat di nalang nila ako dinalasa ospital para hindi na ko nagiging sagabal sakanila..

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko and buried my face on my knees while hugging them tight.

Ansakit sakit parin eh, bakit ba kahit gaano ko saktan ang sarili ko physically ay mas masaki parin yung sakit dito sa puso ko?

Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap ang mga salitang narinig ko nung araw na yon. Ilang beses na ba nila akong niloko? Ilang beses na ba silang nagsinungaling sakin? Ilang beses pa ba ko dapat masaktan bago sila makuntento? Kasi ako,

pagod na pagod na ako.

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha.

Ansakit, nakakabaliw, nakakagago, sa twing iisipin ko lahat ng nangyari sakin.. ang tanga tanga ko.. Ang tanga tanga ko!!!

Napaangat ang ulo ko nung marinig kong bumukas ang pinto.

Muling napuno ng galit, at dismaya ang puso ko nung makita ko kung sino ang pumasok.

"Diba sinabi ko sayo na ayaw na kitang makita? Ano pang ginagawa mo dito?" sambit ko sakanya

he stayed quiet, di siya sumagot and he only stared at me.

"Bakit ka ba nandito?! Umalis ka na!" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko

"Mingyu.."

"Ayokong marinig ang sasabihin mo kaya umalis ka na."

"Mingyu, kahit sandali lang.."

"Hyung ayoko nang marinig yung mga kasinungalingan mo, tama na!"

"Mingyu, walang kasalanan si wonwoo!" sabi niya

S-si wonwoo?

"Ayoko nang maniwala sainyo dahil parehas niyo akong niloko."

"Pero wala siyang kasalanan, ako lang ang may kagagawan ng lahat, ako ang dahilan kung bakit niya ginawa yun at hindi siya-"

"Tama na!!" sigaw ko habang nakatakip ang dalawang palad ko sa aking mga tenga

"Mingyu, mahal na mahal ka ni wonwoo.."

"Tama na."

"Hindi niya kayang gawin sayo yun dahil mahal ka niya."

"Tumigil ka na. "

"Ikaw lang ang inaalala niya dahil ayaw ka niyang mapahamak sa lahat ng ginagawa ko sakanya."

"Sabi nang tama na eh!"

"Mingyu please, patawarin mo na si wonwoo.. siya na lang ang patawarin mo, dahil ako, sobrang dami ko nang kasalanan sayo at alam kong walang kapatawaran yung mga nagawa ko sayo, pero siya, wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ka, at protektahan ka."

"Tama na..."

"Please gyu, alam kong hindi na maibabalik yung tiwala mo sakin at yung pagkakaibigan natin pero please, bumalik ka na kay wonwoo.. ngayong sirang sira na siya, ikaw na lang ang makakabuo sakanya.. at alam kong siya lang din ang bubuo sayo.."

"Hyung.."

"Sorry mingyu.." and after that he left.

muli kong naramdaman ang kirot sa aking puso.

narealize ko na masyado kong pinairal yung galit sa puso ko. masyado akong nabulag sa sakit na naramdaman ko. at dahil dun, nakalimutan kong magtiwala.. magtiwala sa taong pinakamamahal ko..

Bakit ko ba hinayaang mangyari sakin to? bakit kung kailan ako kailangan ni wonwoo saka ako umalis sa tabi niya? Bakit hindi ko manlang nalaman na may problema pala si jeonghan hyung? Bakit wala akong nagawa para sakanilang dalawa?

Tumayo ako sa aking kama at nagbihis, kailangan kong gawin ang tama..

Ayoko nang maging tanga.

At gagawin ko to, dahil mahal ko sila.

********

You're going too fast baby~

pasensya na kung pinapabilis ko na yung storya. kelangan ko na kasing ipublish yung next book sa series na to jusko pressure wooh.

dapat talaga 90 chaps lang to eh, pero di kakayanin kaya expect na aabot to hanggang 100 chaps wooooh paytinggg!!!











Ps. Sorry for the suuuuper late update huhu, 2nd sem had just started tapos ung mga teacher namin abugh nagpaoutput agad ang mga mayora jusko.

So from now on, updates would be only twice a week, pero pag kaya ko magdagdag i'll just do it. Pasensya na ulit huhu mal na mal ko kayue ahihi

Stars || MeanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon