#55-W

56 6 4
                                    

"Hindi ko alam kung bakit kayo magkasama ni wonwoo oppa palagi eh. Pero isa lang ang nasisiguro ko.. hindi ko gusto kung paano ka tratuhin ni oppa ngayon. Diba ayaw niya sayo? O baka ginayuma mo kaya naging ganto? Hindi ako papayag na sa iang katulad mo mapunta si--"

"Anong sinasabi mo?" Sabi ko dun sa babaeng mukhang palaka.

"O-oppa?!" Sabi niya

"Tinatanong ko kung ano yung sinasabi mo."

"W-wala akong--"

"Hindi mo yata alam na ang bullying ang may pinakamataas na offense sa rules and regulations. At rinig na rinig ko kung ano ang mga pinagsasabi mo kay mingyu."

"Oppa kasi--"

"Pwede ba?" Lumingon ako sa iba pang mga studyante na nasa hallway

"Tigilan niyo na ang panggu-gulo sa buhay ng ibang tao. Wala kayong pake sa buhay namin dahil una sa lahat, studyante lang kayo ng school na to at pangalawa hindi namin kayo kailangan sa mga buhay namin... kaya ikaw," tinignan ko ng masama yung babae kanina na halatang takot sa mga maaari kong sabihin sakanya

"Palalagpasin ko tong ginawa mo ngayon.." napabuntong hininga siya sa sinabi ko "Kung magkukusa ka na humanap ng ibang school na mapapasukan at tuluyang mawala sa paningin naming lahat."

Nginitian ko siya ng nakakaloko bago hatakin si mingyu palayo sakanya.

Nakita ko kung paano tumingin ng masama ang mga studyante sa paligid namin.. pinagbubulungan nila kami.. pero hindi ko na iyon pinansin at mas binilisan nalang ang paglakad..

Dinala ko si mingyu sa may fountain sa south gate.. kahit may gate dito ay hindi iyon nagagamit dahil dead end naman. Kaya parang itong parte ng school na to ang pinakatago.. yung mga bench dito napapalibutan na ng mga baging at marami nang matataas na damo ang tumutubo sa lapag.

Pero nanataling mukhang bago ang fountain..

"May ganitong lugar dito sa PEA? Ang ganda naman dito!" Para bang manghang mangha si mingyu sa mga nakikita niya..

Kumikinang nanaman ang mga mata niya..

"Itong fountain na to.." pasimula ko

"Nung binili to ni papa nung ginagawa palang tong building ng PEA... sabi niya sobrang mahal daw nito, at kita mo talaga kung paano pinagtuunan ng effort nung mga gumawa dahil flawless at talagang sobrang ganda nito.."

"Sabi niya hindi daw tatanda ang fountain nato.. dahil dati daw ang may-ari ng fountain na ito ay matandang mag-asawa.. naniwala kami sa kwento na dahil sa fountain na ito kaya sila nagtagal at nabuhay ng magkasama sa mahabang panahon.. this fountain makes everything workout. Hanggang ngayon name-maintain ang tubig sa fountain na to. Pero isolated na talaga ang part na to ng school.. but If you wished upon this fountain, 100% sure na matutupad daw ang hiling mo pag nakita mo na kuminang ang stars sa tubig kahit hindi pa naman gabi."

"Luh? Posible ba yun?" Tanong niya sakin

"Eh kuminang nga yung mga stars sa mata mo eh.. dito pa kaya sa fountain.."

"Anong sabi mo?"

"Wala.. sabi ko, bakit hindi natin i-try? Ako din kasi hindi ko pa natry na humiling kasi di ako naniniwala.. pero ngayon, na ilang taon na ang lumipas at hindi parin tumatanda ang fountain.. siguro nga totoo ang sinasabi nila.." sabi ko.

Kumuha ako ng barya sa bulsa ko.. isa para kay mingyu at isa para sakin.

"Oh ano? Gusto mo bang subukan?" Tanong ko sakanya, handing the coin

"Sige, try lang naman eh." Sagot niya sakin at kinuha ang barya sa kamay ko

Pumikit ako at humiling ng galing sa puso ko.

'Please.. let me confirm my feelings with this guy. I like him, but I don't know if I should love him.. so please.. give me a sign, na kapag alam ko, na mahal ko na nga siya ay magwo-workout ang mga bagay between us..'

Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa direksyon niya.

Nakapikit parin siya na para bang sobrang seryoso nung hinihiling niya.

Napangiti nalang ako kasi ang cute niya, ibinaba ko naman ang tingin ko dun sa fountain, at nagulat ako nung makita kong kumikinang yung tubig dun.

"Woah! Shit! Totoo ba yan?!" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni mingyu

"I know right. Totoo ba to?" Isinawsaw ko yung daliri ko dun sa tubig at mukhang legit talaga yung pagkinang niya

"Ang ganda! Para ngang may stars sa tubig!" Bakit ba sobrang excited na excited siya? Napangiti nalang tuloy ako sa pagka-isip bata niya

"Ibig sabihin ba nun.. matutupad yung wish ko?" Tanong niya sakin

Wait.. kaninong wish ang matutupad? Sakin o sakanya?

"H-hindi ko alam eh.. ano bang ni wish mo?" Tanong ko

Napangiti siya sabay sabing..

"Secret."

"Tss. Damot." Sabi ko

"Hihi.. excited na akong matupad yung wish ko.. ikaw, ano bang wish mo?" sabi niya

"Ayaw mo namang sabihin sakin yung iyo eh." Pag-irap ko sakanya

"Luh? Tampo ka?" Hindi ko siya sinagot at tumingin lang sa fountain

"Eto naman oh.. ayokong munang sabihin para sure na matutupad." Sabi niya

"Tss.. ewan ko sayo." Napanguso nalang ako, ang damot niya kasi eh "tara na nga! Umalis na tayo." Maglalakad na sana ako paalis nung hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako

"Teka wonwoo!" Sabi niya sakin, humarap ako sakanya

"Bakit ba--" nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa niya..

Shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko!

Para akong nakukuryente na ewan!

Shit talaga.. ano ba tong nararamdaman ko?




















Hinahalikan ako ni Mingyu!

Stars || MeanieWhere stories live. Discover now