#34-M

69 5 0
                                    

Hindi ako pumasok ng ilang linggo.. hindi na ako nakakapagbayad ng tuition at isang buwan nalang ang palugid na binigay saakin nung may ari ng apartment na tinitirahan ko.

Halos araw-araw lang akong tumatambay sa sementeryo.. kinakausap ko lang si bi..

Nakakapagod na eh.. tugma rin naman sa pinangako ko sakanya yung gagawin ko..

I will be happy to do this for him. Matutupad ko ang pangako ko kay bi a magiging handa ako na ibigay ang lahat, maski ang sarili kong buhay para sa taong mahal ko..

Pero bago ang lahat.. gusto kong humingi ng tawad sakanila..

"Jeonghan hyung.."

"Gyu.. kamusta?"

"Okay lang naman.."

"Buti pumasok ka na.. ang tagal mong nawala. Saan ka ba nagpunta?" Tanong niya

"Ahh. Nagkasakit kasi ako eh.." pagsisinungaling ko sakanya

"Ganun ba?... sorry kung hindi kita natulungan ha.. SC president ako pero wala akong magawa para matigil yung pambu-bully nila sayo." Sabi niya

"No hyung. You've done enough. Di ko nga alam kung paano ako magpapasalamat sayo eh, sobrang dami mo nang naibigay para sakin.. at gusto kong bumawi.."

"Mingyu--"

"Hyung.. I wanted to say sorry. Kasi kayong lahat.. you've done so many things for me. Tinulungan niyo akong lahat sa kahit anong paraang kaya niyo.. pero anong ginawa ko? Dinamay ko lang kayo sa kagaguhan ko. Nasaktan kayo nang dahil sa kagaguhan ko.."

"I'm really sorry.. alam kong hindi niyo ako mapapatawad agad but I will never get tired of saying sorry over and over again kasi alam kong kasalanan ko ang lahat, alam kong ako ang dahilan kung bakit nasira ang pagkakaibigan natin.. I'm sorry."

"Mingyu, alam kong hindi mo naman sinadya yung mga nangyari.. it's just that, hindi lang namin naintindihan kung bakit pati ang pagkakaibigan natin ay isinacrifice mo para sakanya. Matagal na kitang pinatawad gyu, pero mahirap nang ibalik yung nakaraan. Wag na tayong umasa, na babalik pa ang lahat sa dati." Sagot niya sakin

"Thank you hyung.. alam kong ginawa niyo ang lahat para lang maisalba yung pagkakaibigan natin.. it's all my fault.."

"No it's not. It's your feelings. You just did those things because you loved him."

"I'm really sorry hyung." I cried.

Pakiramdam ko napakatanga ko. Pakiramdam ko napakasama ko.. pero totoo naman diba? Napaka-selfish ko at ito ang bunga ng lahat ng yon.

"Shh... I'm worried about you. You almost died nung huli kang pumasok. Nabalita sa office namin yung nangyari.. pero nasuspend lang ng isang linggo yung mga classmate mo. Ikaw? Kamusta ka na?"

"I'm fine hyung. Wala na lahat ng yun, nasanay na ako, and you don't need to worry about me anymore.. matatapos na rin ang lahat ng to.. you don't need to suffer again just because of me.. you won't hurt again because of me.. matatapos narin ang lahat."

"What do you mean?"

"Malapit na akong umalis hyung.."

"A-aalis ka?!" Gulat na tanong niya

"Oo hyung. For good.. pag umalis na ako.. hindi na ako babalik ulit.. matatahimik na kayo.. at matatapos na lahat ng gulong ginawa ko."

"Pero... kelan?"

"Still not sure.. but really soon. Kaya gusto ko ulit magsorry at magthankyou sa inyong lahat.. can you help me?"

---

Stars || MeanieWhere stories live. Discover now