#28-M

56 5 0
                                    

Mrs. Kwon's POV (walang aangal!!!)

"Hyung!!" Nagulat si jeonghan nang biglang pumasok si seokmin sa SC office. Umiiyak siya, at halatang may hindi magandang nangyari sakanya.

"Anong nangyari?" Tanong ni jeonghan

"H-hyung.. ipinasara nila yung cafe namin nila mama.. nawala na yung pinagipunan nilang cafe!" Iyak ni seokmin

"Paano nangyari yun?" Tanong ni jeonghan ng may pagtataka.

Alam niya kasi na yun ang kaligayahan ng mga magulang ni seokmin, at pinagtulungan nilang buuin ang cafe na iyon. Wala namang problema kaya nakakapagtaka dahil bigla nalang malalaman niyang ipinasara ito.

"Ewan ko.. sabi nila masyado daw maraming utang sila papa. Hindi pa daw nababayaran ng buo yung lupang pinagtayuan ng cafe namin, at maraming nagrereklamo tungkol sa cafe. Hyung, nahihirapan na sila mama.. hindi na namin alam ang gagawin.."

"Tahan na seok.. tutulungan namin kayo.. wag kang magalala.. magiging maayos din ang lahat."

Kinabukasan, nalaman nila na nasunog yung apartment na tinutuluyan ni Seungkwan. Ligtas naman si seungkwan, pero namomroblema siya kung saan naman siya makikituloy.

Hindi naman kasi pwedeng umuwi siya sa Jeju, dahil nga may pasok pa.. kaya naman niyang lumipat sa ibang apartment kaso wala na siyang pera, ibinigay niya kay seokmin yung allowance niya para makatulong at hindi naman niya inexpect na kinabukasan pala nun ay wala na siyang titirhan.

Nanlumo ang magkakaibigan sa sunod sunod na pangyayari..

Nagkahiwa-hiwalay sila.. at nung malaman nilang namatay ang nanay ni mingyu ay hindi nila magawang lapitan ang kaibigan.

Awang-awa sila kay mingyu, pero galit parin sila. Dahil sakanya kaya puro kamalasan nalang ang nangyayari sakanila araw araw.

Kahit gusto nilang lumapit kay mingyu ay hindi nila magawa dahil natatakot na sila. Natatakot sila sa kung ano mang pwedeng mangyari.. natatakot sila sa kung anong kayang gawin ng mga studyante sa PEA sakanila. At wala na silang magawa kundi ang lumayo sa isa't isa.

"Soonyoung hyung--"

"Please seokmin, wala ako sa mood makipagusap." Pagkasabi ni soonyoung nun ay agad siyang tumayo para umalis ngunit pinigilan siya ni seokmin.

"Hyung.. pati ba naman ako?" Malungkot na saad ni seokmin.

"Kasi ito ang tama." Sagot sakanya ni soonyoung.

"Hyung please--"

"Layuan mo nga ako! Baka mahawa ako sa kamalasan niyo!" Pagpupumiglas ni soonyoung.

Natigilan si seokmin sa sinabi ni soonyoung.

"Hyung ang sakit naman ng sinabi mo.." sabi ni seokmin

"Sa tingin mo ginusto ba namin to? Sa tingin mo ginusto namin lahat ng nangyayari samin? Hyung naman! Kailangan ka namin oh! Tapos ganito nalang? Ipagtatabuyan mo nalang ako kasi naniniwala kang kakambal ko na ang kamalasan? Nasasaktan din naman ako sa nangyayari hyung! Ano nang nangyari sating magkakaibigan!? Lahat wala na! Kahit si jeonghan hyung ayaw narin! Please hyung, tulungan mo kong ibalik ang pagkakaibigan nating lahat..."

"Sorry seokmin, pero hindi ako interesado." Mahinang sambit ni soonyoung at tuluyan nang umalis.

Wala nang nagawa si seokmin kundi umiyak. Gusto na niyang bumalik ang lahat sa dati.. yung masaya lang sila, palaging nagtatawanan, palaging magkakasama at di mapaghiwalay, yung nagtutulungan at nagdadamayan.. malabo na kasing mangyari ulit lahat ng yun eh.

Simula nun, hindi na ulit sila nakitang magkakasama. Kahit magkasalubong sila ay hindi na naguusap. Ni isang 'Hi' o 'Kamusta?' Ay hindi nila mabanggit sa isa't isa.

Kasi marami nang nabago. Sobrang lakas ng impact sakanila nung mga insidenteng iyon. Wala nang gusto pang bumalik.

Dahil ang namuo sakanilang mga puso ay takot, kaba, at galit.

Kaya kahit masakit para sakanila na iwan ang mga nakagawian, pinilit nila para sa sarili nilang kapakanan. Para sa ikabubuti ng bawat isa..

Siguro alam naman ng lahat kung sino ang may kagagawan nito? Isa lang naman ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng to.. siya lang ang may kakayahang gawin ang mga bagay na ito.

Pero wala ni isang nagtangkang lumapit sakanya, wala ni isang nagmakaawa sa harapan niya. Lahat sila ay natatakot sa kayang gawin ni wonwoo...

Stars || MeanieWhere stories live. Discover now