#12-W

70 4 1
                                    

"Nabuksan ko na."

Agad ko namang kinuha ang mga gamit sa loob ng locker na iyon at itinapon ito sa basurahan sa labas ng locker room.

"Di kaya masyadong harsh tong ginagawa natin sakanya? Libro parin naman yang mga yan."

"Tss. Wala pang nakikipagusap saakin ng ganon. At ayokong nababastos ako, kaya kulang pa to." Sagot ko sakanya.

"Okay.. eh tinanong ko lang naman kasi alam kong mahalaga ang mga libro para sayo.... sige una nako woo." Sabi niya

"Ge. Salamat seungcheol hyung." Sabi ko at umalis na siya.

Kaibigan ko si hyung. Ang pamilya niya ang nagdonate ng lupa na ito para tayuan ng school ng pamilya namin. Our parents were business partners. Kaya parang ganun narin kami ni hyung.

Pumasok ako sa classroom at sandaling iniyuko ang ulo ko. Maya-maya'y nakarinig ako ng malakas na ingay sa hallway. Paglabas ko, nakita kong nagkukumpulan ang mga studyante sa labas ng locker room.. bago pa man ako makalapit ay narinig ko na ang mga bulung-bulungan nila.

'Hala shit. Nakakadiri naman yun.'




'Si wonwoo oppa may gawa niyan..'




'Dapat lang sakanya yan. Para rin naman siyang basura eh, gaya ng mga libro niya.'




'Siguro may ginawa siya kay Wonwoo kaya pinag-iinitan siya nun.'




'May mas lalala pa diyan.'

"Shet! Ambango ng libro ko!" Rinig kong sabi niya habang pinupulot isa-isa ang mga libro niya sa basurahan.

Napangisi nalang ako at bumalik na sa classroom.

Walang pwedeng bumastos sakin. At gagawin kong impyerno ang buhay ng kungsinumang gumawa sakin nun.

'Ayoko sa lahat, yung mga taong katulad mo. Yung bakla. Nagkakalat lang kayo ng lagim sa eskwelahang to, at sisiguraduhin kong mawawala kayong lahat sa paningin ko.'

Stars || MeanieWhere stories live. Discover now