#80-H

55 6 1
                                    

"Tara na, umuwi na tayo. Baka mamaya kung ano nanamang gawin ni gyu magisa sa dorm." Pag-aya ko sakanila.

Sabay sabay kaming naglakad nila chan at kwan pauwi sa dorm. Naiwanpa yung iba sa PEA dahil sa schoolworks kaya nauna na kami.

Pagpasok namin sa dorm, nakapatay lahat ng ilaw..

"Bakit patay ang mga ilaw?? Baka di natin siya makita!" Sabi ni kwan

"Gago, baka kamo madaganan mo siya." Sagot ko.

Binuksan naman ni chan ang ilaw, malinis ang dorm. Nakorganize ang lahat..

"Hala, bat ang linis?" Tanong ko. Hindi kasi nalilinis ang dorm, ngayon lang.

"Baka may nagkalat kaya malinis hyung." Sagot ni kwan

Binatukan ko siya dahil dun.

"Di kaya naglinis si mingyu hyung? Eh di ba may sakit siya?" Sabi naman ni chan

"Hyung puntahan mo na nga sa kwarto niya, kain lang ako sandali, nagutom ako sa paglalakad eh." Sabi ni kwan sakin

"Tss. lamon pa sige." Pagkasabi ko nun ay dumiretso na ako sa taas.

Kumatok ako sa kwarto niya,

"Gyu? Natutulog ka ba diyan?" Tanong ko.

'gago soonyoung, baka sumagot yan ng oo kung tulog nga.'

Napakamot nalang ako ng ulo.. SA TAAS dahil sa katangahan ko.

Kunatok pa ako ng ilang beses bago naisipang pasukin na.. ANG PINTO sa kwarto niya.

Nagulat ako dahil hindi naman pala nakalock ang pinto. Katangahan pt.2

Pero mas nagulat ako sa nadatnan ko sa loob ng kwarto niya...

"SHIT GYU?! ANO TO?!"

Napatakbo ako sa sa kama niya kung saan nakahandusay siya..

May dugo, maraming dugo.. wag kayong magalala di siya nireregla..

Nagkalat ang dugo sa sahig, kama at damit niya, nakita ko rin ang hawak niyang cutter.

"Gyu?! MINGYU!! GUMISING KA DIYAN! MINGYU!" Tinapik ko ang kanyang pisngi, pero nanatili siyang nakapikit..

Tinignan ko ang braso niya,

Puno ito ng sugat at mukhhang bago lang ang mga ito dahil patuloy parin ang bahagyang pagagos ng dugo niya mula rito..

"CHAAAN!! KWAN!!! TULONG!! SI GYU!" Pagsigaw ko habang pinupusan ko gamit ang vest ng uniform ko ang mga sugat niya.

Unti unti kong naramdaman ang pag tulo ng luha ko.. tangina bakit mo ginawa to mingyu?

"Hyung anong- MINGYU HYUNG?!!!" Agad na tumakbo palapit samin ang dalawa

"Chan tumawag ka na ng ambulansya, pati sina seokmin tawagan mo!" Utos ko sakanya na agad din naman niyang sinunod.

"Hyung.. ano to?!!!!" Pag iyak ni seungkwan habang tinutulungan ako sa pag punas ng dugo.

Itinapat ko ang dalawa kong daliri sa may leeg ni gyu..

Naramdaman ko na mahina na ang pulso ni gyu at malapit na itong hindi maramdaman.

"Shit, kailangan na agad natin siyang dalin sa ospital."

*******

Baka nalilito kayo sa mga pov. Yung mga letters po na nakalagay sa tabi ng number ng chapter ay yung initials nung may pov 😊😊

Stars || MeanieWhere stories live. Discover now