#22-W

61 5 0
                                    

Sumakay kami nila Jun at seungcheol hyung sa kotse ko. Tatambay lang kami samin.

At habang nagdadrive ako, nakita ko naman si mingyu at yung mga kaibigan niya.. biglang nagdilim ang paningin ko..

Dahil marami silang magkakasama ay halos sakupin na nila yung isang lane sa kalsada. Di naman ako papatay, I just want to see their terrified faces. Pero kung may madisgrasya. Edi sorry.

Agad kong pinaharurot ang kotse ko..

Kita ko ang mga gulat na mukha nila, pati narin kina jun at seungcheol hyung na hindi inasahan na gagawin ko iyon.

"Oy shit! Tabi!!" Narinig kong sigaw nung isa sakanila..

I was that close to hitting one of his friends.. yung mukhang baboy? Seungkwan yata pangalan nun. Pero agad siyang hinatak ni mingyu palapit sakanila.

Napangisi nalang ako at pinatigil ang sasakyan sa harapan nila.

Nakita ko naman sa side mirror na nagmamadaling lumapit yung isa sa mga kaibigan niya.. yung walang mata?

"Hoy! Buksan mo to!" Mariin niyang katok sa bintana ng sasakyan ko

Binuksan ko naman ito at tinignan siya na para bang wala akong kasalanan sa nangyari.

"Jeon Wonwoo?" Sabi niya na parang may pagtataka.

"Bakit ba?" Tanong ko sakanya

"Talaga bang balak mong patayin yung kaibigan ko?!" Galit na sigaw niya

"Look, hindi ko naman yun sinasadya. Talagang nakaharang lang kayo sa daan." Mapang-asar kong sagot.

"Tangina mo gago ka! Lumabas ka diyan!" Paghahamon niya sakin. Ganun ba kaimportante sakanya yung baboy na yun? Bakit napaka-big deal para sakanya nung nangyari?

"Hyung tama na.." pagpigil sakanya ni mingyu. Muli akong napangisi sa ginawa niya.

"Anong tama na?! Papatayin niya yung kaibigan mo tapos tama na?!"

"Sige na gyu. Kami na pipigil kay soons." Sabi naman ni jeonghan habang inilalayo yung soonyoung samin.

"Wonwoo.. wag mo na sanang idamay yung mga kaibigan ko." Sabi ni mingyu

"Gusto mo to diba? Gusto mong makipaglaro sakin? Then this is how I play, deal with it." Sagot ko

"Please naman, tinatanggap ko naman lahat ng ginagawa mo sakin diba? Wag mo na silang idamay." Pagmamakaawa niya sakin.

Ganun ba talaga kahalaga yung friendship para sakanila? So gay.

"Sige pag-iisipan ko. Tss. Lumayas ka na nga sa harap ko. Naaalibad-baran ako sa kabaklaan niyong magkakaibigan." Sabi ko at agad na sinara ang bintana at dumiretso na.

Well, I'm still not finished Kim Mingyu.. dahil sa nangyari ngayon ay nakaisip ako ng mas magandang plano para gumanti sayo.

Stars || MeanieWhere stories live. Discover now