Mabilis kong tinahak ang daan paakyat sa technical room na iyon. Shit. I suddenly hate these stairs. Kinalampag ko ang pinto, it was locked! Where are the keys? Keys...I need keys... Napapikit ako nang mariin at nag-isip kung saan ko pwedeng makuha ang susi rito, my heart skipped a beat when I opened my eyes, there are keys on my palm. Hindi ko 'to napagtuunan noong nakaraan, pero mukhang may bagay akong nadiskubre ngayon?

Just by thinking about the thing I needed during emergencies like this, ay mapapasakamay ko agad, ano mang oras ngayon.

At least I have this kind of advantage, probably to protect myself.

It's easy for me to trust people, to give all my trust...but not in a place like this.

Nang mabuksan ko agad ang pinto ay hinalughog ko ang buong kwarto, there are these things for technicals, but I can't see the man with those pair of eyes! I'm sure it's a man... pamilyar sa akin ang mga matang yun, pero hindi mabigkas ng mga labi ko kung sino.

Masasabi ko kaya ito sa oras makita ko siyang muli? "Miss anong ginagawa mo rito?" Unfamiliar voice caught my attention. Nilingon ko agad ito, I was expecting someone, pero mukhang staff siya rito. "Paanong---"

I don't want to be rude, pero mas dadami pa ang tanong niya kung sasabihin ko ang dahilan kaya umalis na lamang ako. Mabuti na lamang at hinayaan niya ako. Palabas na ako sa venue nang makabangga ko si Ricco.

Namilog ang mga mata ko! What is he doing here right now?

"A-anong ginagawa mo rito?" Hindi siya makatingin sa akin nang diretso. Mas lalo lamang dumudoble ang kabang nararamdaman ko.

"I'm checking you out. You might do something stupid." Still, hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin sa akin. Bakit ganun? Siya ba? "Anong ginagawa mo rito?" Pagbabalik tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya.

"I was wondering how you came here." I said out of nowhere. Hindi ko rin kasi mapigilan pang sabihin ang kung ano mang nasa isip ko. "Bigla-bigla kang sumusulpot." Ani ko sa kanya. Tumalikod siya mula sa akin.

"It's because you're doubting me now." He said as he walked away. Binalak kong sundan siya pero hindi na magawa pa ng mga paa ko.

The background changes. I was in the funeral for a moment, I was in the hospital afterwards. I saw Steele and he disappeared, I'm in our house again. The sun sets, the sun rises. The night was filled with stars, the moon shines so bright. There were no stars one time, it's like rain will start pouring. The wind blew my hair. My clothes changed. I am now in my school.

It says one month later...

I'm still not in control of everything in here.

Dahil wala naman akong choice kung hindi ang makisabay na lamang sa kung anong takbo ng story na ito ay nagmasid-masid na lamang ako sa paligid ko. Natigilan lamang ako nang mapansin ang munting tili ng mga kababaihan nang makitang paparating ang grupo nina Steele.

Agad akong lumapit kay Steele. Para sana kamustahin ang lagay niya dahil wala akong ideya sa nangyari sa isang buwan na iyong lumipas. "Steele..." Umalis ang mga kaibigan niya para siguro bigyan kami ng oras mag-usap pero hindi ko naman hiniling na ganoon, dahil walang kaso naman sa akin kung nandito sila.

Isa-isa nilang tinapik ang balikat ni Steele. Napakunot naman ang noo ko. "Steele...are you okay?" Damn. I want to slap myself for asking an awkward question.

"Who are you miss?" Halos malaglag ang panga ko sa naging tanong niya. Huwag niyong sabihing nagka-amnesia 'to!

I don't write someone having amnesia, because that's the last thing I would ever want to happen. I never really wanted someone to have an amnesia. It hurts to know knowing the person you cared and loved you so much forget you that way. Kaya imposibleng nagsulat ako ng part na nagka-amnesia si Steele. Pero ano 'tong tanong niya sa akin?

"You're kidding, right?" Inayos ko ang suot kong eyeglasses, I have a new one. Inisip ko lang palang magkaroon nito kanina, in an instant I already have it on my hand.

"You like me?" Ngumisi ito sa akin. Mukhang nagka-amnesia nga ang loko! Ang sarap lang bangasan ng mukha nito, pero naalala ko na ganito ang takbo ng story kaya dapat lang na sabayan, sundan ko na lamang.

Hindi ko nga sigurado kung ako pa ba ang maituturing na writer nito. "You always visit me in my dreams, you seem so different." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "You told me you're not Belle..." Hindi ko alam kung paano ako magre-react. "Who are you miss?"

I tried to laugh.

Pero mas lumapit lamang siya sa akin. "Ilang beses na Steele?"

"I can't remember when it started. One thing's for sure, you were always in my dream..." Tumitig siya sa mga mata ko. "...that I realized I'm already falling."

By that time, I know it's wrong. I know it's a wrong idea, to like, to fall in love with a guy who's only existing in your imagination, to a guy who will only exist in a book and to a guy you know you will never have the chance to bring to your own world...to the reality.

---

I apologized for the late update! Thank you for patiently waiting :) Happy 3.1k+ reads, 660 votes and 1.4k+ comments. You are all the best! *sending hugs and kisses*

11/3/17

#TYW

To Your World [ Completed:2017 ]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz